Chapter 43

49.6K 1.2K 124
                                    

(Rain)

Simula ng araw na yun, hindi na kami mapaghiwalay ni Max. Ang sabi nga ng iba bagay na bagay daw kami dahil isang pasaway at isang mabait.

Habang lumilipas din ang taon, alam ko na sa sarili ko na mahal ko na si Max. Lagi siyang nasa tabi ko kahit anong mangyari. Nangarap ako na balang araw ganun din siya sa akin. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya kasi dumami ang kaibigan ko. Nakilala ko sila Melody, Zach, Hugo, ang triplets na si Chino, China Chinnie, si Angelique.

"Wala ka bang masyadong nararamdaman, Rain?"

Umuling ako. Check up ko na naman kasi.

"Wala po. Magandao po ang pakiramdam ko."

Masaya kong sagot. Napangiti din si Sir Reign.

"Maganda yan. Gumaganda ang kalagayan mo. Iwasan mo lang na magkasakit. Kapag may nararamdaman ka sabihin mo agad sa akin."

Tumango ako.

"Nagpapasalamat ako kay Max dahil pinapasaya ka niya. Natutuwa din si Crystal, pasalamat daw kami sa crush mo."

Naramdaman kong namula ang mukha ko.

"Best friend po! Hindi crush!"

Sagot ko. Natawa si Sir Reign.

"Hay nako hija. Kilala kita at isa pa pinagdaanan ko na iyan. Hindi ka na bata, you're already 15 years old. Alam kong iba na ang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi kita pipigilan sa kung anong gusto mo, pero ingatan mo ang sarili mo. Ang importante lang sa amin ay ang kaligayahan mo."

Ngumiti ako.

"Alam ko naman po iyon. Kaya nga po malaki ang pasasalamat ko sa inyong dalawa ni Madam Crystal. Kasi hindi niyo po pinapabayaan."

Niyakap ako ng mahigpit ni Sir Reign.

"Anak kita. Ibibigay ko ang lahat para lang sayo. Ganun din naman si Crystal."

Napapaiyak ako dahil sa tuwa. Silang dalawa ang tumayong magulang ko. Ipinaintindi nila sa akin ang sitwasyon ko at hindi hadlang iyon para hindi ko i-enjoy ang buhay ko. At ngayon naiintindihan ko sila.

Walang nakakaalam sa school tungkol sa akin. Mas mainam na iyon dahil baka kapag nalaman nila layuan nila ako.

Nakaupo ako sa isang tabi ng bigla kong naramdaman na may yumakap sa akin.

"Nandito ka na naman sa isang sulok."

Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya.

"Nag-aaral ako. May quiz tayo ngayon di ba? Ayokong bumagsak."

Narinig kong nag-tsk siya at bigla niyang hinablot ang notebook ko at saka itinago sa bag niya.

"Max! Akin na 'yan!"

Nakatawa siya. Natutuwa siya tuwing naasar niya ako.

"Wag ka na kasing mag-aral! Kahit hindi ka mag-aral papasa ka pa din. Kaya nga proud na proud ako na may best friend akong genius!"

Napangiti lang ako sa sinabi niya. Napatingin sa ibang banda si Max at bigla siyang natulala. Kinaway-kawayan ko siya sa pero parang hindi niya ako nakikita. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko kung ano--mali sino ang tinitignan niya.

Maganda siya, simple lang.. Medyo mahabak ang buhok niya at mukhang mahinhin.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Max. Starstruck pa rin siya sa babae. 

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon