Chapter 39

47.2K 1.3K 237
                                    

(Max)

Ilang araw na ang nakalipas simula ng tagpo namin ni Rain. Siya na ang umaasikaso sa lahat. Dapat lang iyon dahil sa nakalipas na panahon siya talaga ang may kasalanan ng lahat.

Oo noong una siya lang ang sinisisi ko sa pag-alis ni Carisse pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon magagawa ni Rain, gusto ko lang may pagbalingan ako ng galit ko at siya iyon.

Kaya ngayon muli na namang nabuhay ang galit ko sa kanya pero sa pagkakataong ito hindi ko alam kung kaya ko siyang patawarin.

Pinupuntahan ko si Carisse mas malaya na akong gawin ang gusto kong gawin. Pero hindi ko sinasabi sa kanya ang nangyari noong isang gabi. Ayokong mag-isip pa siya lalo kung si Rain lang ang iisipin niya. Sinabi ko na lang na nakipag-hiwalay na ako kay Rain. Alam kong nahihirapan siya pero mas maganda na lang na ganito ang malaman niya.

Ang nakakatawa pa nakatanggap ako ng invitation para sa photo exhibit ni Rain. Sa tingin ba niya pupunta ako?

Problema ko pa si Carisse. I propose to her pero hindi niya tinanggap. Pero nagpaliwanag siya dahil gusto niya maging maayos muna ang lahat.

"Max.."

Si Carisse.

"What are you doing here? May problema ba?"

Umiling siya. Nagbago na kaya ang isip niya?

"No. Nakatanggap kasi ako ng invitation from Rain. Bukas na pala ito ng gabi. We should go."

Kumunot ang noo ko.

"Para saan pa? Maghihiwalay na kami."

Huminga siya ng malalim.

"Max, kahit anong mangyari naging parte pa rin siya ng buhay mo, nating lahat. Maghihiwalay kayo, pero hindi ibig sabihin nun tapos na ang lahat sa inyo. Magkaibigan kayo, tayong lahat. Hindi dapat iyon mawawala."

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Isa pa, lahat naman tayo nakatanggap ng invitation. We should support her."

Kahit labag sa kalooban ko pumayag na ako.

"Fine. For you gagawin ko."

Ngumiti siya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi rin mapangiti.

"Thank you. Tatawagan ko sila, para sabay-sabay tayong pumunta doon."

--

"My Everything.."

That's the title ng photo exhibit ni Rain. Nasa tapat na kami ng isang sikat na gallery dito sa Manila. Dito ginanap ang exhibit ni Rain. Sa totoo lang ngayon ko lang makikita ang mga gawa ni Rain. Tuwing nagkakaroon kasi siya ng ganitong event hindi ako pumupunta.

"Ang daming tao."

Ang daming taong pumapasok sa loob. Kaya lang ang nakapagtataka lahat ng mga lumalabas nakatingin sa amin.

"Bakit ba sila tingin ng tingin sa atin?"

Tanong ni Chino.

"I don't know. Baka nakilala nila si Max at Carisse.."

Sagot naman ni Melody.

"Pumasok na tayo para matapos na."

Pumasok na kami. Ang agad na bumungad sa amin ay si Madam Crystal, nang makita niya kami napasimangot siya. Pero lumapit pa rin siya sa amin.

"Madam Crystal.."

Bati ni Melody.

"Glad you all came."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon