Chapter 34

41.2K 1.1K 239
                                    

(Rain)

Hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Ewan ko ba parang gusto kong umalis, pero andito na ako at hinihintay ako ni Mr. Del Valle.

Kakatok palang sana ako sa pinto ng bahay nila Max ng bumukas iyon.

"Rain, hija andito ka na pala. Kanina pa naghihintay si Ma'am at Sir."

Si Nanay Lumeng ang nagbukas.

"Hello, Nanay!Nasaan po ba sila?"

Ngumiti ako.

"Andun sila sa library. Pumunta ka na doon."

Tumango ako.

"Sige po.."

Tinahak ko ang daan papunta sa library nila Max. Nakabukas na ang pinto at nakaupo ang mag-asawa.

Nakakatuwa silang pagmasdan dahil kitang-kita naman nila kung gaano nila kamahal ang isa't-isa hanggang ngayon at hindi iyon nababawasan. Nakakainggit..

"Rain, kanina ka pa dyan?"

Nagulat ako ng nasa harapan ko na pala si Mrs. Del Valle.

"Ahm. Hindi naman po."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinasok sa loob. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Pinaupo niya ako sa tapat na upuan ni Mr. Del Valle at tumabi na siya sa kanyang asawa.

"Kumain ka na ba?"

Tumango lang ako. pero ang totoo hindi pa ako kumakain. Wala kasi akong gana.

"Kamusta si Max.."

Tanong ni Mr. Del Valle.

"Ayos lang po siya.."

Yun naman lagi kong isinasagot sa kanila.

"Nanggaling dito si Max noong nakaraang araw.."

Nagkatinginan ang mag-asawa. Napahawak ako ng mahigpit sa arm rest ng upuan.

"Rain, hija.. Mahal na mahal namin si Max. Kahit na may mga bagay siyang nagawang mali. Anak pa rin namin siya at ang gusto lang namin ay maging masaya siya sa buhay niya. Pareho naman tayo ng gusto para kay Max hindi ba?"

Mahinahong sabi ni Mrs. Del Valle. Alam ko na kung saan papunta ang usapan naming ito. Pero marahan akong tumango.

"Pero noong nakita namin siya noong isang araw. Parang may gumugulo sa isip niya. Alam naman namin kung ano iyon. Naguguluhan si Max dahil ang alam niya kasal kayong dalawa at sa nararamdaman niya para kay Carisse."

Parang nabingi ako sa sinabi ni Mrs. Del Valle.

"Rain, para ka na naming anak. Malaki ang naging parte mo para ibangon ulit ang anak ko.Ang malaki ang utang na loob namin sa iyo Pero Rain, i think everything has to stop.."

Napaiwas ako ng tingin sa mag-asawa.

"Alam namin kung gaano mo siya kamahal. Pero alam naman nating lahat na iisang babae lang ang naging laman ng puso niya hanggang ngayon.."

Napapikit ako sa kirot na nararamdaman ko.

"Alam namin masyadong malaki itong hinihiling namin sayo pero ito ang dapat na mangyari. Ayaw din namin na masaktan ka pero lalo ka lang masasaktan kung magpapatuloy pa ang lahat ng ito."

Yumuko ako. Pinipigilan kong umiyak sa harap nila dahil ayokong kawaan nila ako.

"Rain, hija.."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon