Chapter 36

43.4K 1.1K 197
                                    

 (Rain)

Tinanaw ko lang ang papalayong kotse ni Max. Naramdaman ko ang pag-yakap ni Eric sa akin.

"Are you okay?"

Tanong niya.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa bisig ni Eric.

"Ayoko na siyang mahirapan. Ayokong mamili siya sa amin ni Carisse. Alam kong nahihirapan na siya dahil sa pekeng responsibilidad niya sa akin."

Masakit sa akin na gawin ito, pero ito na lang ang dapat kong gawin.

"Sana hindi na lang ako pumayag sa plano mo. Sana sinabi mo na lang sa kanya ang totoo at hindi ka na sana nagsinungaling sa kanya."

Ngumiti ako.

"Mas maganda na ganito ang mangyari. Mas gugustuhin kong galit ang maramdaman niya sa akin kaysa sa awa. Dahil kapag nalaman pa niya ang totoo mas mahihirapan siyang piliin si Carisse. Ayokong awa din ang maramdaman niya kaya siya mananatili sa tabi ko."

Napabuntong hininga si Eric.

"Paano kung sabihin ni Carisse ang totoo?"

Umiling ako.

"Hindi niya malalaman ang kalokohan ko na naman na ginawa. Alam ko naman na hindi sasabihin ni Max itong nangyari. Kilala ko si Carisse sa oras na malaman niya ito at sabihin niya ang too pipilitin niyang bumalik sa akin si Max."

"Ano na ngayon ang gagawin mo?"

Tumingin ako sa langit. Walang bituin kaya madilim na madilim.

"Alam kong babalik siya at hihingin na niya na mapawalang bisa ang kasal namin. Naayos ko naman ang lahat. Hindi ko muna ibibigay iyon. Iyon na lang naman kasi ang pinanghahawakan ko kahit na hindi totoo."

Muli niya akong niyakap.

"I really admire you Rain. Ikaw lang ang kilala kong tao na kayang gawin ito. Sana dumating ang lalaking magpapaligaya sayo."

Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya.

"Sige na. Umuwi ka na, alam kong naghihintay na si Lucia sayo. Okay naman na ako."

Tumango siya.

"Kung may kailangan ka, alam mo naman kung paano ako macocontact."

"Yeah.."

Tapos ay umalis na siya at naiwan akong mag-isa.

Nagpunta sa bahay si Hugo at Angelique.

"Kamusta ka na Rain?"

Tanong ni Hugo.

"Ayos lang ako. Kayo naman parang hindi niyo naman ako kilala."

Hinawakan ni Angelique ang kamay ko.

"Yun na nga ang problema, Rain. Kilala ka na namin. Bakit hindi mo sinabi sa amin? Bakit mo inilihim ang lahat?"

Napayuko ako.

"May mga bagay lang na hindi niyo na kailangan malaman pa. Mas mapapadali ang lahat sa ganoong paraan."

Tumayo si Hugo.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo. Kahit kailan talaga napagatigas ng ulo mo."

Napangiti ako kay Hugo. Para siyang isang kuya na pinapagalitan ang nakakabata niyang kapatid.

"But you both love me.."

Narinig niyang napahinga ng malalim si Hugo, si Angelique naman ay napatawa.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon