Chapter 44

48.4K 1.2K 228
                                    

(Rain)

"Rain, bakit siya umalis? May nagawa ba akong mali?"

Nasasaktan ako ng nakikita kong ganito si Max. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? Na inuna ni Carisse ang pangarap niya kaysa sa kanya.

"Max, intindihin mo na lang siya. Kapag sinabi niya sayo alam niyang hindi mo siya papayagan."

Inom ng inom si Max. Awang-awa ako sa kanya. Pero anong magagawa ko? Hiniling ni Carisse sa akin ito.

"Susuportahan ko siya. Kasi iyon ang makapagpapasaya sa kanya ayos lang sa akin. Pero umalis siya bigla. Hindi ba ako importante sa kanya? Paano na lang ako? Wala ng kwenta ang buhay ko kapag wala siya sa tabi ko."

Siya lang ba talaga ang importante? Hindi ba ako kasali doon?

"Max andito naman ako. Hindi naman kita pababayaan. Di ba sabi naman niya babalik siya?"

Ibinato niya ang baso na hawak niya.

"Siya ang kailangan ko! Siya lang!"

Nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Pero mas nadudurog ang puso ko sa pagluha niya.

Kaya inako ko ang lahat. Para sa akin magalit si Max at hindi kay Carisse. Ayokong masaktan siya sa katotohanan. Na pinili ni Carisse ang pangarap niya kaysa sa kanya.

"Totoo ba?!"

Nagulat ako ng biglang dumating si Max sa opisina ko.

"Max?"

Galit na galit siya.

"Alam mo na aalis siya. Pero hindi mo ako sinabihan!"

Hinampas niya ang lamesa ko.

"Max.."

Bigla niyang ibinato ang lahat ng gamit na nasa ibabaw ng mesa ko.

"Akala ko kaibigan kita! Pero paano mo nagawa sa akin ito?! Ha!?"

Hindi ko na napigilang na sabihin ang nararamdaman ko.

"Dahil mahal kita!"

Natigilan siya.

"Yun lang ang dahilan? Mahal mo ako? Pero hindi kita mahal at kahit anong mangyari siya lang ang laman ng puso ko! Siya lang. Nawala nga siya sa tabi ko pero kahit anong gawin mo  hinding-hindi mo siya mapapalitan sa puso ko."

Pagkatapos ng tagpulong iyon nagbago na ang lahat sa amin ni Max. Pero nakikita ko pa din kung gaano siya ka-miserable.

At kasalanan ko ang lahat..

Ikinasal kami ni Max. Sikreto lang ang lahat. Mga magulang niya ang nagdesisyon. Ayoko sana pero nakiusap sila para naman daw mabaling sa iba ang atensyon niya.

Pumayag ako pero humingi ako ng tulong kay Madam Crystal para maging peke ang lahat. Dahil alam ko wala akong karapatan maging parte ng buhay niya at dalhin ang pangalan niya.

Kahit masakit sa akin tinanggap ko ang galit ni Max. Tinanggap ko ang lahat dahil kasalanan ko. Makasarili ako. Gusto ko maging akin siya, na ako ang mahalin niya.

Pero kahit anong pahirap niya sa akin, alam kong mas nasasaktan siya dahil hindi niya kasama ang taong mahal niya.

Hanggang sa pagtulog niya siya lang ang hinahanap niya. Umiiyak siya para kay Carisse at iyon ang ikinadudurog ng puso ko.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon