Day 5

63.9K 1.6K 377
                                    

NASA opisina na ako nang matanggap ko ang text ni Meredith na after lunch na siya papasok. Two things. Una, hindi ko alam na alam niya ang number ko kaya kinilig na naman ako. Ikalawa, sayang, tamang kape pa naman ulit ang binili ko para sa kanya. Tsk...

Okay, okay. So disappointed talaga ako na kalahating araw ko lang siya makakasama. Bitin. Friday pa naman na. Medyo matagal-tagal bago kami magkikita ulit.

Anyway, buong umaga akong nagtrabaho. Siguro ni-resched ni ma'am ang mga morning meetings niya pagka-alis ko kagabi kasi alam ko may 10 AM at 11 AM siya ngayong umaga pero walang laman ang calendar. Binasa ko na lang ang mga files na pinadala niya sa e-mail, nag-proofread at edit, naglista ng mga kailangan niyang pirmahan at nag-encode ng mga meeting notes.

Oddly, I think I'm really enjoying my job. Seryoso.

At dahil malungkot ako, tinamad akong mag-lunch. Mamaya na lang siguro pagdating ni Meredith. Makasilay man lang muna para may energy mas happy.

Nag-angat ako ng ulo mula sa screen ko nang may mapansing papalapit sa mesa ko.

The woman was beautiful, beautiful dahil kahawig siya ni Meredith kahit pa siguro twenty years older siya. Maputi, makinis ang balat, mas friendly lang ang ngiti kesa sa supladita kong boss, pero hindi maikakailang magkamag-anak sila. Mommy ba ito ni Meredith?

"Hi," sabi ng babae.

"Good morning, ma'am," bati ko. "How can I help you?"

"Nandito ba si Meredith?"

"Naku, ma'am, I'm sorry. After lunch pa po darating si Miss Balajadia." Sinulyapan ko ang suot kong relo, 12:35 P.M. Mali na pala ang bati ko. "Good afternoon na po pala," natatawa kong bawi. "Mga 1 P.M. po, nandito na si ma'am."

"I see. I should have called pala," sabi ng babae. "Pero gusto ko kasi siyang i-surprise. I just got back from Japan. I'm Vera by the way, Meredith's aunt. You must be Ash." She offered her hand and I took it.

"Yes, ma'am," sabi ko, nagtataka. "Did Ma'am Meredith..."

Kinuwento ba ako ni Meredith sa tita niya?

"Oh! It was actually your Ninong Ernest," nakangiting saad ni ma'am. "The two of us are... friends. Nabanggit nga niyang nagtatrabaho ka raw para kay Meredith."

Ay, tsk. Akala ko kinukwento na ako ni Meredith sa mga kamag-anak niya. Umasa lang ako. "I see," sabi ko. "Kinabahan po ako, ma'am. Kasi kung kinukuwento ako ni Ma'am Meredith sa inyo, I'm sure puro reklamo 'yun."

"Actually, nabanggit ka na nga rin niya sa 'kin," mapagbiro niyang sagot. "Pero let's not talk about that. Just let me say that my niece is very loyal. Kahit sino'ng pumalit kay Sheri, hindi niya kaagad makakasundo."

And that made me feel a bit better.

"Upo muna kayo, ma'am," sabi ko. "Kung gusto po ninyo siya hintayin. Ikukuha ko po muna kayo ng coffee."

"Why, thank you," sabi niya at naupo sa sofa malapit sa table ko. "I'd love that."

"You're welcome, ma'am. Sandali lang po ako."

Nagmadali ako papunta sa pantry. At least may sosyal na coffeemaker doon para sa mga boss kaya nag-brew ako ng kape. Nag-init din ako sa microwave ng isa sa mga muffins na dala ko kaninang umaga para sana kay Meredith kaya lang wala naman siya. Buti at sosyal ang pantry sa executive floor. May tunay na mga pinggan. Nakakahiya namang dalhan ng muffin sa table napkin ang tita ni Meredith.

Nilagay ko ang lahat ng mga dadalhin ko sa isang pinggan at muling lumabas ng pantry. Ngayon ko lang nalamang kung hindi ako pumasang assistant, p'wede naman pala akong waiter. Nagbabasa na ang tita ni Meredith nang makabalik ako sa work station ko. Namilog ang mga mata niya nang makita ako.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon