Day 35 - Later that Night

35.1K 1.1K 152
                                    

TAHIMIK lang ako habang nagda-drive si Kuya pa-Ortigas. Tahimik din siya. Malamang iniisip niya kung gaano karaming zeroes 'yung isinulat niya sa tseke kanina para ipambayad sa bago naming bahay ni Meredith.

Ako naman, kinakabahan nang todo. Ganito siguro 'yung pakiramdam ng tumatakbo ka pababa sa bundok 'tapos di ka na makahinto kasi matarik na siya at hinihila ka na ng gravity at ng sarili mong inertia. It was exciting, exhilarating, and terrifying because you can trip, fall flat on your face and roll down the mountain and break your neck.

Gan'un din ang pakiramdam kung ayain kong magpakasal si Meredith at tumanggi siya. Masakit.

Of course sabi nila, kung may duda ka raw sa isasagot ng babae, 'wag mo raw muna siya ayaing magpakasal. The weird thing, wala akong duda sa isasagot ni Meredith. Pero nagdadalawang-isip ako sa sarili ko.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. At gusto ko siyang pakasalan at makasama nang habambuhay. Alam ko 'yun kahit mahigit isang buwan pa lang kami magkakilala. Wala na akong ibang babaeng mamahalin pa maliban sa kanya. Iyon lang, paano kung hindi pala ako worthy sa kanya? Paano kung hindi ko siya mapanindigan? Kilala ko ang sarili ko. I fuck things up kahit hindi ko sinasadya.

"Titingin muna tayo ng singsing o kakain na muna tayo?" tanong ni Kuya at napalingon ako. Noon ko lang napansing papasok na pala kami ng parking building ng Shangri-La Plaza.

"Tingin muna tayo," sabi ko. Alam kong di ako makakakain.

Nakahanap ng parking slot si Kuya at ipinarada niya 'yung kotse ko. Bumaba kaming dalawa ng kotse at naglakad papunta sa entrance ng mall.

Nagtanong pa ako kay Manong Guard kung nasaan ang Tiffany.

Nang mahanap namin ni Kuya Lex 'yung tindahan, nanlamig lalo 'yung mga kamay ko. Sinulyapan ako ni Kuya Lex kasi huminto pala ako sa paglalakad. Huminga ako nang malalim at sinulyapan siya.

Supportive siya eh. Tinawanan lang ako bago nagpatiuna patungo sa mga display cases. Sumunod ako, nanlalaki ang mga mata, pabaling-baling na para bang tutuklawin ako ng mga laman ng display cases sa magkabila kong banda.

Ganito na lang. Hindi ko sila titingnan isa-isa. Kung may makahuli lang sa paningin ko. Kung wala, eh di wala. Not meant... to be, pagtatapos ko sa isip ko nang may mahagip ang mga mata ko.

May kausap na si Kuya Lex na isa sa mga staff pero hindi ako sa kanya lumapit. Lumapit ako d'un sa display case kung saan naroon ang isang kulay silver na singsing na may isang bilog na diamond na kumikinang sa ilaw na nagha-highlight sa kanya.

Lumapit si Kuya Lex. Sinulyapan ko siya bago ako nag-angat ng paningin sa nakangiting babaeng lumapit na rin sa 'min.

"Ah, p'wede pong... ano... 'yan po."

Di ako makabuo ng complete sentences eh.

Mas lumaki ang ngiti ni ma'am bago binuksan ang display case. Dinescribe niya 'yung singsing. Di ko naintindihan. Basta alam ko bilog 'yung diamond, platinum 'yung band, at may matching wedding ring siya na pwedeng isuot ni Meredith kasama n'ung engagement ring.

Nakatingin lang ako d'un sa singsing. Baka natakot nga si Ate na baka bigla ko na lang 'yun hablutin at itakbo sa sobrang pagkakatitig ko d'un.

"Ano pong size niyan?" tanong ko.

Alam ko ang ring size ni Meredith. Kung kasya sa kanya ang singsing na 'to, ito na. Ito na talaga. Senyales na ito ni Lord.

Nang sabihin niya ang ring size, wala na. Siya na talaga.

May iba pang mga singsing. Merong may tatlong bato, may singsing na napapalibutan ng mga brilyantes, may yellow gold, may rose gold, may mas mura, may mas mahal. Pero 'yung unang singsing lang talaga 'yung nagustuhan ko. Simpleng-simple lang siya at isa lang 'yung bato niya pero siya talaga 'yung sumisigaw ng "kay Meredith ako!"

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon