Day 19

51.5K 1.5K 188
                                    

A/N: Wala pong missing or private chapters :) Wala lang talagang significant na nangyari sa days 16, 17 at 18 kasi busy sila Ash sa office work so hindi na siya nakapagkwento :) Thank you for reading! 

---  

NAGING busy ang linggo namin ni Ma'am Meredith. The usual reports, walang katapusang mga meetings, conference calls, pirmahan ng kontrata at mga dokumento at kung anu-ano pang hindi ko na ikukwento dahil 1) boring, at 2) confidential company information na malamang ay bawal ko isiwalat.

Bad news: hindi pumayag si Meredith na sunduin ko siya sa bahay sa umaga. Naglambing daw si Tito na sana raw sabay silang pumasok para raw may time silang mag-ama.

Good news: ako na lang ang naghahatid sa kanya pauwi sa gabi. Ibig sabihin pwede ko siyang kidnappin pagkatapos ng trabaho at kung saan-saan dalhin.

Gusto ko sanang iderecho na sa simbahan pero nakakapagpigil ako kaya sa mga restaurants ko na lang siya dinadala para maghapunan bago ko siya ihatid sa bahay.

Ngayong araw ng Friday, binibilang ko ang mga oras bago kami pwedeng umuwi nang nang mag-vibrate ang smartphone ko. Dahil excited ako sa uwian, daig ko pa ang saya sa boses ng call center agent na nalamang na-promote na siya at habambuhay nang hindi tatanggap ng calls.

"'Ba, masaya ka ah!" tawa ni Marlon.

Ngumisi ako sa phone kahit di niya 'ko nakikita. "Something like that. Kumusta, dude?"

"Tumatawag lang ako para ipaalala sa 'yo na may gig ang barkada mamaya. At kung hindi ka na naman sisipot, kalimutan mo nang kilala mo kami."

"Grabe naman kayo!"

"Hoy! Nangako ka ha. Hindi mo na nga kami sinipot n'ung huling beses na, may I remind you, ikaw pa ang nag-aya. Kaya 'wag mong masubukang magdahilan ngayon."

"Daig mo pa babae sa pagkamatampuhin, dude."

Marlon snorted. "Kung ako lang, wala akong pakialam sa 'yo 'no pero kumpleto mamaya sa bar nila Hank. So you better be there. And bring your boss. Gusto siyang makilala ng barkada."

Ni-review ko ang mental files ko ng schedule ni Meredith mamaya. "Mga six kami lalabas," sabi ko.

"Nine pa kami tutugtog. May oras pa kayo. Sasabihin ko na sa barkadang darating kayo ha."

"Fine. Sige."

"Okay. Great! See you."

Ni hindi ako nakapagpaalam bago pinutol ng ungas ang phone. It was only two p.m. Balak ko sanang magpa-deliver na lang ng pagkain mamaya para sa dinner. Friday ngayon di ba? Nasasayangan ako sa oras kung bibiyahe pa kami kung pwede naman kaming tumambay sa office para, ehem, magkwentuhan sa sofa sa opisina niya.

Oh, well. Marami pa namang pagkakataon na makapagkwentuhan kami. Nangako nga pala akong pupunta ako sa gig eh. Mga siraulo at tarantado ang mga kaibigan ko pero loyal ang mga 'yun.

Tamang-tama naman na dumating sa e-mail namin ang mga hinihintay kong kontrata galing sa Legal. Nag-print ako ng mga kopya para kay Meredith bago 'yun dinala sa opisina niya.

Kumatok ako at binuksan ang pinto. She was at her desk, typing.

"Ma'am," tawag ko at natawa siya.

"Ma'am talaga?"

"Habang nasa office tayo, ma'am ang itatawag ko sa 'yo." Naglakad ako palapit sa mesa niya. "Updated contracts from Legal. Pa-check na lang daw po at pa-sign kung wala na kayong gustong baguhin."

"All right. Thanks."

Sinimulan na niyang basahin ang mga iyon habang nakatayo pa rin ako sa tabi ng mesa niya, pinapanood siya. Tinigala niya ako at nangingiti akong biniro. "Anything else, Mr. Montesines?" 

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon