Day 8

55.6K 1.4K 157
                                    

KINABUKASAN na, iniisip ko pa rin 'yun. Sinasabi ko sa 'yo nagka-complex ako at hindi ako nakatulog. Mga alas-tres yata nang bumangon ako at kumuha ng papel at ballpen para makapagsulat ako ng listahan ng mga bagay na kailangan kong ayusin sa buhay ko. Ang haba n'ung listahan. Parang listahan ni Santa Claus tuwing pasko. Feeling ko kailangan ko ng spreadsheet at flow chart. Pero at least 'yung una eh may check na: get a job.

Nasa "job" ako na 'yun ngayon, alas-otso ng umaga, kahit pa sinabi ni Meredith na kahit after lunch na ako pumasok. Naisip ko kasi na kung masanay na naman akong tanghali gumigising, araw-araw na naman akong tatanghaliin at ma-le-late. Saka wala naman akong gagawin sa bahay kundi basahin nang paulit-ulit ang listahan ko. It will only make me feel helpless. Paano, ang number 2 sa listahan ay: maging milyonaryo.

Which, come to think of it, was easy. Dahil pagkatapos ng limang buwan at tatlong linggo, kung nasa trabahong ito pa rin ako, technically, milyonaryo na ako ulit.

Nagulat ka? Yeah, mayaman din ako. Hindi kasing yaman ni Meredith pero p'wede na, hindi na nakakahiya. Sabihin nating p'wede na 'kong humabol ng mga three steps kay Meredith.

Which means I really need to be good at this job. Para 'pag bumalik na si Sheri, p'wede akong magpa-endorse at magpalipat lang ng ibang department. Gagayahin ko na lang si Ninong Ernest. Dito na lang din ako magtatrabaho para sa mga Balajadia para mas malapit kay Meredith.

Tama. Nakapag-desisyon na ako. I've decided... I've decided long ago never to walk...

"Edu Manzano!" gulat kong bulalas sabay balikwas sa upuan nang may tumapik sa balikat ko.

Nakatayo si Meredith sa likuran ko, tumatawa. "I don't even want to ask what you were thinking about," sabi niya.

Tumayo ako, kamot-batok. "Ginulat mo ako, Mer... ma'am." Nasa opisina nga pala kami.

"Sorry," tumatawa pa rin niyang sabi. "Ba't ang aga mo? Di ba sabi ko sa 'yo after lunch ka na pumasok?"

"Wala kasi akong gagawin sa bahay. Naku, lagot. Kasi nga akala ko mamaya ka pa papasok. Hindi kita binilhan ng kape. Sorry."

She waved the apology away. "Okay lang. Tanghali na rin naman na."

Sumunod ako sa kanya sa opisina niya. "Eh bakit ikaw? Kala ko mamaya ka pa."

Naupo siya sa likuran ng mesa niya at binuhay ang computer na nasa isang banda niyon. "Wala rin naman akong gagawin d'un. Nagsimula akong magbasa ng e-mail bago ko ma-realize na ayaw kong magdala ng trabaho sa bahay." Humarap siya ulit at binuksan ang bag na dala niya. "May bago ba sa calendar?"

Umiling ako. "Two-thirty pa rin ngayon, then four with Mr. Soriano."

Tumango siya, ni-swipe ang isang daliri sa tablet na hawak. "Eight thirty pa lang. Nag-breakfast ka na?"

"Kape lang. Kanina sa bahay. Gusto mo bang mag-breakfast?"

Honestly, that wasn't an invitation. Hindi ko naisip na ayain siya kasi nasa opisina kami at boss ko siya rito. Malay ko ba kung ayaw niyang makita kami ng mga ka-opisina naming magkasama. Ma-hu-hurt lang ako. Kaya nagulat ako nang tumango siya.

"Kain tayo sa Pancake House," sabi niya na may hopeful na tingin sa 'kin, complete with puppy dog eyes. "Na-mi-miss ko na ang pancakes nila eh."

"Sige!" masaya kong sagot. Di na 'ko nagpanggap.

"Yay!" sabi niya bago muling ni-lock ang computer at kinuha ang bag. Hinintay niya akong mag-lock ng sarili kong computer bago kami naglakad palabas ng opisina. Huminto muna ako kay Abby sa reception para magbilin bago kami dumerecho sa elevators.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon