Day 20

49.1K 1.5K 430
                                    

HINDI kami nakapag-usap masyado ni Meredith pagkatapos ng gig nila Marlon kagabi (o kaninang madaling araw). Inumaga na kami sa bar, kasama ng mga kabarkada ko at mga alas-tres na nang ihatid ko si Meredith sa kanila. She had kissed me good night (morning), gave me a hug, pero bago pa man ako makaporma para tanungin kung pwede ba kaming mag-usap, binuksan na ng guwardya ang gate ng bahay nila at nakangising kumindat sa 'kin with matching, "Good morning, ser". So I let Meredith go.

Agad naman akong nakatulog nang maka-uwi ako sa condo ni Kuya at nagising ako nang mga 8.

Text agad ni Meredith ang nakita ko.

Call me when you wake up :)

So, dahil masunuring bata ako, tawag naman ako kaagad.

"Hi!" sagot niya.

"Hi," sabi ko, medyo paos pa. Tumikhim ako. "Sorry, ngayon lang ako nagising."

"Okay lang. Nakahiga pa rin naman ako."

At gaano karaming mga imahe ang pumasok sa isip ko nang sabihin niya 'yun...

"Naisip ko lang kasi. Gusto mo bang sumabay na lang tayo kila daddy papunta sa site mamaya?" tanong niya.

"Hmm. Mas gusto ko yatang magdala 'ko ng sarili kong kotse. Paano kita itatakas mamaya kung kasabay natin ang parents mo?"

"Itatakas mo ako?" mapagbiro niyang tanong.

"Oo."

"Saan?"

Ayan na naman 'yung image ng simbahan. "Kahit saan mo gusto."

"Hmm. Uwi na lang tayo d'yan sa condo ng Kuya mo."

Napa-upo ako n'un! "Ah, sure!" masaya kong sabi.

Tumawa siya. Nahalata siguro 'yung tuwa ko sa sagot ko. "Okay. Ipagluluto ko ulit kayo."

"You don't have to cook for us again, Meredith," sabi ko sabay bawi. "Pero kung gusto mo talaga, sige lang. Grocery tayo ulit."

"Sige, mamaya," she said, laughing.

"Anong oras kita susunduin?" tanong ko.

"Mga 11. Okay lang ba?"

"Sure."

"Okay. I'll see you later!"

"Bye. I—" Huminto ako. God, I wanted to tell her that I love her pero ayoko sa telepono.

"Youuuuuu?" mapanukso niyang sabi at nakikita ko sa isip ko ang ngiti niya.

"I... miss you."

Malakas siyang tumawa. "I miss you, too, Ash. I'll see you later, okay?"

"Okay. Bye."

Nang putulin ni Meredith ang tawag, tumalon ako patayo ng kama at kumaripas ng takbo sa banyo para mag-shower at toothbrush, bago bumalik sa kuwarto ko para magbihis.

Kinatok ako ni Kuya Lex maya-maya.

"Yeah?" tanong ko habang nakasilip sa pinto. Naka-jeans na ako at kulay itim na polo shirt, hawak ang Vans na isusuot ko sana nang matigilan kasi nakita kong naka-slacks si Kuya Lex. Nakasuot din siya ng plain white t-shirt, itim na sapatos na balat at hawak ang isang transparent garmet bag na naglalaman ng isang barong. Nag-angat ako ng mukha sa kanya, namimilog ang mga mata. "Kailangan kong mag-barong?!"

Ako naman ang pinagmasdan niya. "Hindi naman. Unless gusto mo. "

Okay ka lang? Ni wala akong barong. Umiling ako at bumalik sa kama para maupo doon at makapagsapatos. "Driver lang naman ako ni Meredith."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon