Day 14

51.6K 1.4K 278
                                    

HINDI ako morning person pero nang magising ako kinabukasan, ganda-ganda lang ako sa araw.

Hinatid ko sa kanila si Meredith kagabi. Bumaba lang siya ng kotse matapos ang ten-minute makeout session. At iyon ay dahil pa nagsimula nang lumapit sa kotse ko ang isa sa mga guwardya sa bahay nila.

Nakatulog din kaming magka-usap sa telepono.

Parang high school lang pero bakit ba? May dahilan naman kung bakit nagkakandapuyat ang mga high school students sa kakatelebabad eh.

Nagpadala ako ng good morning text sa kanya bago nagbanyo at kulang na lang ay mag-sayaw palabas ng kuwarto ko, papunta sa kusina. Hindi ko na nagulat si Kuya Lex. Naunahan na niya ako d'un at kumakain na siya ng sandwich na gawa sa tira-tirang pork roast kagabi.

Nakangisi akong naupo sa tapat niya at nagnakaw ng pulled pork sandwich sa plato niya. Hawak niya ang sariling tinapay habang pinagmamasdan ako, nawi-weirdohan siguro kasi ngumunguya akong nakangisi.

"What?" tanong ko.

Mabagal siyang umiling at kumagat sa sandwich, nakatingin pa rin sa 'kin.

Ngumisi ako sa kanya at kumagat muli sa sandwich, ngumuya, lumunok at inabot ang mug niya ng kape. "May hihingin pala akong favor, Kuya. Magpapaturo sana ako sa 'yo tungkol sa stocks." Ngumuya lang siya, nakatingin pa rin sa 'kin. "Sige na," sabi ko. "Naisip ko kasi, habang empleyado ako, hindi ako yayaman. At dalawang linggo pa lang akong nagtatrabaho para kay Meredith kaya may five months, two weeks pa ako bago ko makumbinsi si Daddy na may karapatan ako sa pera ko."

Kinuha ni Kuya mula sa 'kin ang kape niya. "So gusto mong mag-trade ng stocks?"

Tumango ako. "Naisip ko lang. Magpapa-cute ako kay Mommy. At dahil sigurado akong maaawa siya sa 'kin at bibigyan niya ako ng pera dahil may legitimate reason ako para manghingi, 'yun muna ang gagamitin ko para magsimula."

"Sigurado kang gusto mong ikaw ang gumawa niyon? I mean, p'wede namang ako na o kaya isa sa mga tauhan natin sa opisina ang mag-trade para sa 'yo."

Mas safe sana 'yun. Walang hassle sa 'kin at kung si Kuya ang gagawa, sigurado 'kong kikita ako dahil may magic si Kuya Lex sa pera. Iyon lang, hindi ako makakaramdam ng accomplishment.

"Gusto ko sanang i-try na ako muna, Kuya," sabi ko. "Pero hindi ako tatanggi kung may tip ka sa 'kin."

"Magkano ba sa tingin mo ang ibibigay ni Mommy sa 'yo?"

"Utang 'yun. Babayaran ko rin. Saka hindi ko alam eh. Depende sa kung gaano ako ka-cute sa kanya mamaya."

Napailing si Kuya Lex. Gumagawa na naman siya ng sandwich nang magtanong siya. "Does this have anything to do with Meredith?"

Hindi ako kaagad sumagot. Ngumuya lang ako nang ngumuya. "Partly," amin ko mayamaya. "Hindi ako magiging kasing yaman niya and I'm not really aiming for that. Ang gusto ko lang eh 'yung... respectable naman ako kapag katabi niya. I mean, Montesines ako pero wala naman akong maipagmamalaki eh. Gusto ko lang ngayon na, kahit paano, may masimulan man lang ako. Hindi lang para sa kanya pero para na rin sa 'kin. I guess, una kong gustong gawin ay 'yung may maipundar man lang ako na ako lang."

Ngumiti si Kuya. "I really like that girl."

Kumunot ang noo ko. "You mean you really like me, di ba? After all, ako ang nagdadrama sa harapan mo."

Muli siyang kumagat sa sandwich niya. "Hindi ka naman magda-drama kung hindi mo siya nakilala eh. Sa tingin mo magbabagong-buhay ka kung si Liz ang girlfriend mo?"

"Sino?"

"Si Liz?" ulit ni Kuya. "'Yung huli? Hindi ba Liz ang pangalan n'un?"

"Ah, si Liz." Nalimutan ko na naman ang pangalan ni It Girl. Napatango ako. "True. Very true."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon