Day 7

58.4K 1.4K 205
                                    

MAAGA na naman akong nagising kinabukasan. Nagutom ako eh. Pero hindi ako kaagad bumangon. Niyakap-yakap ko muna 'yung unan ko habang nire-replay ang mga kaganapan kahapon.

O bakit? Porke ba lalaki ako hindi na 'ko p'wedeng gumanito?

Kagabi, habang nagda-drive pauwi, saka pinatugtog 'yung "Passenger Seat". Di ako nagbibiro. Pero nakatulog na si Meredith n'un kaya 'Oh and I can't keep my eyes on the road knowing that she's inches from me' ang drama ko hanggang sa makarating kami ng Manila.

I had to wake her up para maihatid ko siya sa bahay nila. Gusto ko pa sana siyang ayaing mag-coffee kaya lang nahiya na 'ko. Oo, meron talaga ako n'un.

At nang marating namin ang bahay ng mga magulang niya—saan pa di sa Forbes Park kung saan naroon yata ang halos lahat ng bahay ng mga mayayaman talaga— I walked her to the door and she thanked me with a hug.

Sayang nga eh. P'wede na sana akong maka-kiss kaya lang baka feeling niya masyado pang maaga sa relasyon namin. Di bale, darating ang pagkakataon. Makaka-kiss din ako.

Bumangon lang ako nang magutom na ko nang matindi. P'wede ko namang ulit-ulitin ang mga memories pero di ko kayang tiisin ang tiyan ko. Kinakain na ng large intestines ang small intestines ko.

"UTANG NA loob!" bulalas na naman ni Kuya Lex. Nag-zo-zombie walk na naman siya at sa kusina na naman nagmulat ng mga mata. Nagulat na naman siya nang makitang nand'un na 'ko, kumakain.

"Sobra ka na ba sa kape at magugulatin ka yata ngayon?" tanong ko habang ngumunguya.

Kumurap-kurap siya. "Hindi lang ako sanay na maaga kang gumigising," sabi niya bago ihinilamos ang isang kamay sa mukha. "Ano 'yan?"

"Tocino. At dahil ako ang nagluto, medyo well done siya..."

Well done as in parang flamethrower ang ginamit ko para lutuin siya. Ganoon siya kasunog.

Naningkit si Kuya Lex sa plato ng ulam at kanin bago siya kumuha ng pinggan. Di ko na sinubukang mag-saing. Sa talents ko, kung di magiging lugaw 'yung kanin, mananatili siyang bigas sa rice cooker. Inihain ko na lang 'yung tira kagabi.

"Kuya, magkano kuha mo dito sa condo mo?" tanong ko bigla.

Mula pa kasi kahapon, hindi ko maalis sa isip ko na may sarili nang property si Meredith sa Baguio habang parang wala akong ni isang gamit na ako ang bumili.

"Mga P13 million," sabi ni Kuya na wala sa sarili bago sumubo ng pagkain. Kitang-kita kong napangiwi siya kaya inabutan ko siya ng isang basong tubig bago pa niya maibuga sa 'kin ang tocino ko.

"Cash ba 'yun?"

"Hindi, check. Bakit? Bibili ka?"

"Okay ka lang?" sabi ko, natatawa. "Naisip ko lang. Magkano kapag mag-re-rent?"

"Dito?" tanong ni Kuya bago matapang na sumubo ng isa pang slice ng tocino ala Ash. "May P15,000 a month na unit. Itong sa 'kin, di ko sigurado."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Ang mahal naman.

Nabasa yata ni Kuya Lex ang iniisip ko. "May mas mura naman," sabi niya matapos maubos ulit 'yung baso ng tubig. "May mga nasa 7 or 8K lang isang buwan."

"Mahal pa rin. Wala bang P1,500 lang?"

He snorted. "Eh ba't bigla kang napa-isip ng ganyan?"

Sasabihin ko bang dahil kay Meredith? 'Wag na lang muna.

"Ewan ko ba. Siguro dahil nakatira ako sa 'yo, nakita ko kung paano ka saka naku-kumpara ko 'yung sarili ko sa 'yo. When you were my age, nakabukod ka na kay Dad at may sarili ka nang buhay."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon