Day 35

40.9K 1.3K 442
                                    

NAGISING kami ni Meredith nang maaga kinabukasan pero hindi kami kaagad bumangon. Alam mo na, nag-jack-en-poy muna kami nang ilang oras. Sabay kaming naligo bago kami lumabas ng mga 11. Ready na ring lumabas si Kuya Lex kaya nagpasya na kaming magpunta na sa bahay nila Meredith. Naisip kong sana dinner na lang ang sinabi niya kung kailan siya uuwi kaya lang may plano rin kasi ako after lunch.

Masaya ang tanghalian sa bahay ng mga Balajadia. As usual, masarap ang pagkaing luto ni Tita Marianne. Pinag-usapan namin sila Ninong Ernest at Tita Vera, 'yung naudlot nilang love story noong college at 'yung kasal nila. Pinag-usapan din namin 'yung love story nila Tito Eman at Tita Marianne, at ang lack thereof ng love life ni Kuya Lex.

Mga two o'clock, nagpaalam na kami ni Kuya. Hinatid kami nila Tita sa front door at hinatid naman kami ni Meredith hanggang sa gate.

Mahigpit ko siyang niyakap sa mga balikat habang yakap naman niya ako sa baywang, nakasandal ang pisngi sa dibdib ko. Halik lang ako nang halik sa tuktok ng ulo niya.

"Ma-mi-miss na naman kita," sabi ko sa kanya na kunot ang noo.

"Dito ka na lang matulog?" she suggested hopefully, looking up at me.

Napangiti ako. Gusto ko pero 'wag muna. Abuso naman ako masyado. "Sa susunod na lang. I'll see you tomorrow morning. Anong oras ka papasok?"

"Mga eight."

"All right. Nasa office na rin ako bukas nang eight."

Tumango siya and drew my head down to hers para mahalikan niya ako. Kahit pa siguro hindi ko alisin 'yung bibig ko sa bibig niya nang habambuhay, di ako magsasawa sa lasa niya. Humigpit ang yakap ko sa kanya bago ko siya pinakawalan.

"I'll see you tomorrow."

Tumango siya and we rubbed noses bago ako tuluyang lumabas ng gate nila. Lumapit si Meredith kay Kuya Lex at hinalikan din siya sa pisngi.

"Thanks for lunch, Mere," sabi ni Kuya Lex.

"You're welcome, Kuya. Thank you rin for letting me stay sa bahay mo."

"Anytime."

Bumalik sa gate si Mere at kumaway sa 'min. Dahil ako ang magda-drive, ako ang nagpunta sa driver's side ng sasakyan. Kumaway din kami kay Mere bago kami tuluyang sumakay ng Audi ko.

"Baka gusto mong bumalik," biro ni Kuya nang magsimula akong mag-drive palayo.

"Hmm?"

"Mukhang miserable ka eh."

Natawa ako. "Sira."

"Kasi pwede naman kitang ihatid sa kanila mamaya. Ikaw naman ang maki-sleepover," dagdag niya.

Natukso ako... pero hindi. "Hindi na. Konti na lang naman ang titiisin ko eh."

Kapag matuloy kasi ang balak ko, konti na lang talaga. Iyon ang dahilan kung bakit hindi kami inabot nang maghapon kila Meredith, may appointment kami ni Kuya Lex sa real estate agent para tingnan 'yung condo na pangarap ko para kay Mere.

It was a 1,195 sq ft., semi-furnished, 2-bedroom corner unit na may terrace. Walking distance din iyon mula sa building namin kaya siya ang una kong gusto sana. Pero titingnan lang naman dahil nakita ko na kung magkano siya. Kung magre-renta ako, kailangan kong ibayad 'yung sweldo ko nang isang buwan at 'yung allowance ko galing sa trust fund ko (na may kulang-kulang five months pa bago ko matikmang muli). May bahay nga ako, hindi naman ako kakain. Ano 'yun? Aasa ako kay Meredith? Di na uy!

"Kuya, 'wag kang aatakihin sa puso kapag makita mo 'yung presyo niya ha," babala ko kay Kuya Lex nang makarating kami sa BGC. "'Yun lang naman ang pinakagusto ko d'un sa mga nakita kong condo kaya gusto kong puntahan pero okay lang naman kung di 'yun ang utangin ko sa 'yo."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon