Day 29

43.5K 1.2K 90
                                    

GISING na si Mere nang magising ako kinabukasan.

"Good morning," she said softly, kissing a line down the side of my neck.

"Good morning," sabi ko. "Anong oras na?"

"Five."

Hindi ko pa maidilat ang mga mata ko pero nagising ang katawang-lupa ko sa pag-asa. "Gising na ang parents mo?" tanong ko. Hindi man ako maka-score, pwede pa rin naman akong makahipo... este, I mean...

Tumawa siya. "Yes. Nasa kusina na si Mommy, nagluluto na ng breakfast."

"Tsk, sayang," sabi ko na hinihila siya hanggang sa nakasiksik na siya ulit sa tagiliran ko habang nakabalot sa mga balikat niya ang isa kong braso. She placed her palm over my chest, right above my heart, at ipinatong ko 'yung palad ko sa kamay niya na 'yun.

Ang tahimik lang. 'Yung mahinang ugong lang ng aircon ang naririnig ko saka 'yung paghinga ni Meredith. Hindi ako morning person, alam mo 'yan, pero kung ganito naman, favorite ko na yata ang mga mornings.

"Ano'ng gagawin natin ngayon?" tanong niya.

"Hmm, 2 P.M. pa 'yung meeting mo mamaya. Pwede bang samahan mo muna ako sa bahay bago tayo pumasok?"

Tiningala niya ako. "Oo naman."

"I meant sa bahay ni Daddy, hindi kay Kuya Lex. Kukunin ko 'yung passport ko."

"Sa tingin mo nagkamali si Celia d'un sa date?"

"Umaasa ako," natatawa kong amin. "Pero I doubt na mali siya."

"I really wish there was something we could do," sabi niya.

Ako rin pero hindi naman namin pwedeng hingin sa DFA na i-rush nang gan'un ang passport ko. Kahit yata si PNoy eh hindi makakakuha ng passport nang gan'un kabilis. At 'yun ngang presidenteng 'yun pumipila eh, ako pa kaya?

"I know. Me too," sabi ko. "Pero gusto ko lang din talaga makita. Saka para pagdating natin sa office, makapagpa-schedule na ako ng renewal."

"All right."

Sandali pa kaming tahimik na nag-cuddle, hinihintay na magsimulang medyo magliwanag sa labas, bago ako hinalikan ni Meredith sa pisngi at inaya nang bumangon. Tinupi niya ang mga kumot at bedsheet habang ibinabalik ko sa dating ayos ang sofa bed.

Nasa kitchen na sila Tita nang magpunta kami d'un para mag-breakfast ng hash browns, bacon and eggs, at cream cheese at toasted bread. Kung pakainin ako ni Tita Marianne, parang akala niya eh refugee akong di kumain nang tatlong araw.

Mukha ba akong matakaw, Tita?

Sa taas ulit naligo at nagbihis si Meredith habang d'un ako ulit sa banyo sa guest bedroom. Pero di pa 'ko naligo. Sa bahay na lang kasi wala naman na akong bihisan. Naubos na ni Meredith na hiram nang hiram nang T-shirt ko n'ung nasa Laguna kami. Saka may mga damit pa naman ako sa bahay ng tatay ko.

Naisip ko biglang kailangan kong ilipat ang mga gamit ko kapag may bahay na kami ni Meredith. Mag-isa na naman akong nangisi habang puno ng toothpaste ang bibig ko nang maisip 'yun. Sarap ma-imagine eh. Siya, ako, may sariling bahay...

Anyway, nang lumabas ako, nakabihis na si Tito Eman. Nagpaalam siyang mauuna na sa opisina.

"Sa 'yo na sasabay si Meredith?" tanong niya.

"Opo, Tito."

"Di mamayang gabi dito ka ulit?"

Namilog ang mga mata ko. "Po?"

Ngumiti si Tito Eman. "Eh bukas na kasi sila aalis. Mahihiwalay pa ba 'yun sa 'yo?"

Ahaha eh medyo awkward.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon