Night 1

57.4K 1.3K 127
                                    

PAREHONG sabay na umiyak at tumawa sina Meredith at Tita Marianne habang kausap namin ang parents ng bago kong fiancée sa screen ng iPad niya. Pero happy tears naman at nangako silang pupunta sila sa bago naming bahay para makita nila 'yun. Bukas...

BUKAS? Agad-agad?

Sabi rin ni Tito Eman na mag-usap daw kami. Patay kang bata ka.

Pero at least na-touch si Mere nang sabihin ng parents niya na nagpaalam ako sa kanila kagabi na aayain ko na nga siyang magpakasal.

Si Mommy ang tinawagan namin sunod. ("Baby boy, what happened to your face?!, ang una niyang reaksyon sa video call.) Nag-iiyak siya (pero hindi dahil sa mukha ko kundi dahil ikakasal na ako). Di naman siya umiyak nang ganito n'ung ikasal si Ate Kaye ah. Pero masaya rin siya at excited na excited! Gusto na ngang umuwi! Sabi ko kapag mamamanhikan na ako! Ni wala pa kaming date na napili ni Mere, uwi naman kaagad 'to.

Si Kuya Lex ang sumunod. ("What the hell happened to your face?!") Masaya niya kaming binati at nagpasalamat naman ako nang buong puso sa kanya, kasama utak, baga, atay at balumbalunan. Di ko ma-a-accomplish ang lahat ng ito nang wala siya. Kaya may naisip na rin akong pambayad, pero kailangan ko munang kausapin si Meredith tungkol doon. Future na rin kasi niya 'yun eh. Pero mamaya na.

Next, tinawagan namin si Ate Mari niya na nagising yata namin kasi groggy siya at magulo ang buhok nang sagutin niya ang video call namin sa FaceTime ("Oh, my God, Ash, what happened to your face?"). Pero agad din naman siyang nagising at napatili nang sabihin ni Meredith na engaged na nga kami.

Nagulat lang din si Meredith kasi may lalaking bumalikwas ng bangon mula sa likuran ni Ate Mari n'ung tumili siya. Tumatawa nitong hinarap ang lalaki para mag-sorry na nagising ito at sabihing matulog ulit ito.

Nagkatinginan kami ni Mere bago niya pinandilatan ang ate niya sa screen. "May boyfriend ka!" tili niya. "You're sleeping with someone!"

Tumawa si Mari, nag-blush nang matindi, bago mabilis na lumabas ng silid at ibinalik ang usapan sa kasal namin.

Nag-iyakan ulit ang magkapatid lalo na nang hingin ni Meredith na si Ate Marilou ang maging Maid of Honor niya. Of course, she agreed at nangakong uuwi para sa kasal namin.

Ang sumunod naming tinawagan ay sina Ninong Ernest at Tita Vera na itinuloy na ang honeymoon dahil hanggang ngayon ay nasa Singapore pa rin sila at sa linggo na raw uuwi.

Kinabahan ako kasi excited na nag-alok si Tita Vera na siya na ang bahala sa bachelorette party kung saan sabay kaming sumigaw ni Ninong.

"Walang strippers!" sigaw niya kasabay ng bulalas ko ng "Bawal si Magic Mike!"

Tumawa lang ang mga fiancée namin pero babantayan ko nang malupit ang mag-tita na ito. Baka may masamang balak. Possessive pa naman ako.

Pagkatapos silang balitaan, nagpadala na lang muna kami ng mga text sa mga best friends namin na engaged na nga kami. Gutom na kasi ako at alam kong walang humpay na usapan na naman ang magaganap kung tawagan namin sila nang isa-isa ngayon na. In the end, sila ang tumawag at alternate kaming kumain at nakipag-usap sa kanila para ikwento ang mga detalye.

Gusto sana naming magpadala din ng picture na parang kila Ninong Ernest kaso puro pasa ang mukha ko at nabura na ang make up ni Meredith kaya saka na lang daw. Pero nag-selfie pa rin naman kami, para may picture din talaga kami sa engagement night namin. Kapag ipakita ko 'yun sa mga anak namin, matinding paliwanagan ang magaganap.

Pero kahit mukha joke 'yung selfie dahil nga sa hitsura namin, mukha namang ang saya-saya namin so okay lang.

Di naman kami masyadong nakakain ni Meredith kahit natapos na naming kausapin 'yung mga kaibigan namin. Nagtawanan at nagkurutan lang kaming dalawa. Masarap 'yung pagkain pero di ko alam kung dahil ba masarap talaga siya o dahil masaya ako. Kahit siguro hopia lang 'yun at Zesto, sarap na sarap na ako d'un.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon