Day 13 - Afternoon/Night

54.7K 1.4K 354
                                    

MAGKATULONG naming inakyat sa condo ni Kuya Lex ang mga paper bags ng groceries. Gusto ko mang magpaka-macho at buhatin lahat ng pinamili namin, hindi ko kaya. Dalawa lang ang kamay ko kaya si Meredith ang nagbuhat n'ung iba. Dalawang bags lang naman ang dala niya. Maliliit pa.

Hindi ko na alam ang pinagtatawanan namin n'ung lumabas kami ng elevator, basta nagtatawanan kami. Di naman halatang masaya ako.

Dumerecho kami sa kusina at doon ibinaba ang mga paper bags ng groceries. Magkatulong din naming inilabas ang mga pinamili namin.

"Okay lang bang tingnan ko kung ano'ng mga gamit ng kuya mo?" tanong niya sa 'kin mayamaya. "Tingnan ko lang kung meron siya ng lahat ng kailangan ko."

"Sure," sabi ko at pinanood siyang mag-explore. Kulang na lang magpangalumbaba ako pero nagpatuloy ako sa mabagal na paglabas ng mga pinamili mula sa bags habang nakatingin sa kanya. Natulala ako nang abutin niya ang overhead cabinets at medyo tumaas 'yung laylayan ng palda niya.

"Hoy."

Mabilis umangat ang mga mata ko sa mukha ni Meredith. Nakatingin na pala siya sa 'kin nang di ko nalalaman. Naningkit siya.

"Ah, ano kasi," sabi ko. "Gusto mo ng tsinelas? Para mas komportable ka?"

"No, thank you," sabi niya bago muling tumalikod sa 'kin at isinara ang mga pinto ng cabinet. "Tinatanong ko kung nasaan 'yung mortar ng kuya mo."

Sa totoo lang... malay ko.

"Ah..." Naghanap pa ako kunyari.

"Ayun!" sabi ni Meredith bago ako makasagot nang mahanap niya iyon sa isa sa mga cabinets. Kinuha niya ang mortar at pestle, chopping board at isang kutsilyo mula sa knife block.

"What can I do?" tanong ko bago naupo sa isa sa mga stools na nakapalibot sa counter para panoorin siya.

"Hmm, gutom ka na ba ulit?" sabi niya habang kinukuha ang mga ingredients para sa dinner namin.

"Lagi naman akong gutom eh," natatawa kong saad.

Natawa na rin siya. "Gusto mo ng sandwich? Igagawa kita."

"Naku, ako na. Kaya ko 'yun. Walang involved na apoy. Gusto mo rin? PB&J?"

Saglit siyang nag-isip. "Busog pa ko eh. Pero pakagat na lang."

"Sure." Kahit saan sa katawan ko p'wedeng-p'wede kang kumagat.

Ako naman ang kumilos habang naglalagay siya ng kung anu-anong spices sa mortar. Dinidikdik na niya ang mga iyon nang bumalik ako sa counter, dala-dala ang supot ng white bread, at mga bote ng peanut butter at guava jelly.

Kumakain na ako ulit bago pa niya inilagay ang spice rub sa binili niyang pork shoulder. Bilib lang ako sa mga taong alam eksakto kung gaano karaming asin at paminta ang ilalagay sa pagkain para maging masarap 'yun. Ako kasi wala talagang alam sa pagluluto. Pinanood ko siyang ikiskis ang spice rub sa pork bago wala sa sariling inalok sa kanya ang sandwich ko. Lumingon siya at kumagat doon, ngumuya at tumango-tango.

"Sarap," sabi niya.

Natawa ako. Simpleng sandwich lang ang ginawa ko eh. "Ayon ay kung hindi ikukumpara d'yan sa iluluto mo."

"Hindi! The best kaya ang PB&J."

"Lalo na ang PB&J ala Ash."

She smiled and nodded.

Inilagay niya sa isang baking tray ang pork bago iyon dinala sa oven at inilagay sa loob. "There."

Dinala niya sa lababo ang mga ginamit niya at hinugasan ang mga iyon. "Four hours siya d'yan, tapos saka natin ilalagay 'yung patatas." Nilingon niya ako. "Ano'ng gagawin natin habang naghihintay?"

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon