Day 26 - Night

55K 1.4K 263
                                    

A/N: Mature content. Reader discretion is advised.

SUMABAY kami kila Tita Mabel at Tito Alan nang lunch bago kami namasyal ni Meredith. Naubos ko yata ang memory ng phone ko sa kakakuha ng pictures niya hanggang sa agawin niya 'yun para ako naman ang makuhanan niya ng picture. Pareho kaming hindi mahilig mag-selfie kaya naka-ilang try kami bago kami may nakuhang matinong picture. Sana lang hindi namin na-istorbo ang espiritu ni Maria Makiling sa gulo naming dalawa.

Hindi pumayag si Tita Mabel na hindi kami doon kumain ng dinner kaya mga 7 na ng gabi nang maka-uwi kami ni Meredith.

Bukas na ang mga ilaw sa garden at sa pool area na automatic na bumubukas pagpatak ng six p.m. Lumabas sa pool area si Meredith habang sa laundry room naman ako dumerecho para ilagay sa washing machine ang basa naming mga damit.

Oo, natuto akong gumamit ng washing machine kay Kuya Lex. Puro pindot lang naman kasi 'yun. Kailangan ko lang lagyan ng sabon 'yung lalabhan. Paglabas n'un, tuyo na. Kulang na lang 'yung washing machine na rin ang magtupi at maglagay sa kabinet namin eh.

At alam mo ba ang na-discover ko? Ang magaling na si Balajadia, naka-bikini nga sa ilalim ng rashguard niya! Humanda ka sa 'kin. Uubusin ko ang kiliti mo.

Anyway, pagkatapos kong magpipindot d'un, lumabas ako sa garden at nakitang naka-upo si Meredith sa gilid ng pool, nasa tubig ang mga paa. Obvious na mahilig sa tubig ang girlfriend ko.

Naupo ako sa tabi niya at nilingon niya ako.

"Did you enjoy yourself today?" tanong ko.

Ngumiti siya at tumango. Then she kissed me on my cheek. "Very much. Thank you. And thank you for taking me here."

Tinulak ko sa likod ng tainga niya 'yung buhok niyang nililipad ng hangin. "You're welcome."

"Ayoko na yatang umuwi ng Manila ulit," sabi niya maya-maya habang iginagalaw sa tubig 'yung paa niya.

Ngumisi ako . "Pwede namang dito na lang tayo. May bahay naman na tayo dito. Pwedeng dito ako mag-work pero kahit hindi, hindi papayag si Tita Mabel na magutom tayo kaya papakainin niya tayo. Ano, 'wag na tayo umuwi? Itanan na kita?"

Tumawa siya. "I wish gan'un kadali," sabi niya.

Pinagmasdan ko ang profile niya. Ganda talaga eh. Kahit anong anggulo, hindi nagkamali sa pag-design si Lord kay Meredith.

"Do you ever wish you weren't who are?" tanong niya. "Alam mo na, na ibang tao ka?"

Tumingala ako sa langit kung saan nagkalat na naman ang mga bituin, 'tapos tiningnan ko siya ulit. "Hindi. Perfect na ako eh."

She burst out laughing.

"Joke lang," bawi ko. "Noon, oo. Iniisip ko na sana ako na lang si Kuya Lex o na katulad niya 'ko. Then na-realize ko na kahit ano naman ang gawin ko, hindi naman mangyayari 'yun. So tinanggap ko na lang na ako talaga 'ko and I was finally happy with myself. Ikaw ba?"

She sighed. "Minsan. Hindi naman sa hindi ako masaya sa buhay ko ha. I'm happy. Pero siguro hindi mo talaga maaalis sa isang tao na gusto niya 'yung mga bagay na wala siya."

"Who would you want to be?"

"Si It Girl."

"Ha?" natatawa kong tanong.

Nahihiyang ngumiti si Meredith. "Yeah," amin niya. "Minsan gusto ko lang maging gan'un ka-carefree. 'Yung pwede akong magpunta sa bar kapag gusto ko, na hindi iniisip na may meeting ako kinabukasan kahit Saturday 'yun." Binalingan niya ako na nakangiti. "O na pwede akong lumingkis sa ex ko sa Johnny Rockets habang kasama niya 'yung boss/current crush niya na iniwan nilang selos na selos d'un sa table."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon