Day 39 - Later that Day

47.8K 1.3K 282
                                    

NAGISING ako kasi gumalaw si Meredith. Dumilat ako nang kaunti kasi ang bigat-bigat ng talukap ng mga mata ko. Kunot-noo ko siyang inabot nang tumayo siya at tatanungin na sana kung saan siya pupunta pero narinig ko si Tita Marianne sa pintuan. At dahi hindi naman ako napansin ng girlfriend ko (at sa totoo lang talagang tulog pa naman ang diwa ko), nagkuwari akong tulog pa.

"Okay na ba kayo?" bulong ni Tita Marianne kay Mere.

"Opo, Mommy," sagot niya at narinig kong may ibinaba sila sa maliit na seating area sa kuwarto. "Nakapag-usap na po kami."

"Pero bati na kayo?" nag-aalala pa ring tanong ni Tita. Napangiti ako sa unan.

"Opo, Mom," natatawang sagot ni Mere.

"All right." She paused. "Komportable ba siya niyan? Di man lang nakapagbihis."

"May shirt po siya rito."

"Teka, ikukuha ko ng sweatpants ng daddy mo."

"Pumasok po si Daddy?"

"Mamaya na raw after lunch. Nainggit daw siya sa inyo. Saka na-altapresyon daw siya sa nangyari kanina."

"Kay Ash po?"

"Hindi, kay Craig!"

Kinabahan ako d'un ah.

"Kakausapin daw niya sina Tito George mo tungkol sa kanya pero gusto ka raw muna niyang maka-usap," dagdag ni Tita Marianne.

"Mommy, ayoko namang mag-away po sila nila Tito George dahil sa 'kin."

"Pag-usapan ninyo ng daddy mo. Sa akin kasi, I'd rather be the one to talk to Craig. Naku, makakarinig talaga siya sa 'kin."

"Biased ka kay Ash, Mommy," Meredith giggled.

"Of course! He loves you."

"Aww."

Napangisi naman ako d'un. Sandali silang natahimik, pagkatapos ay nagsalita ulit si Mere. "Thank you, Mommy. Thank you po for accepting Ash. I mean, 'yung ibang parents... well, with what people say about him, what Craig must have told you..."

Meredith's mom sighed. "Hija, sa tingin mo saan mo nakuha 'yang ugali mong hindi kaagad nanghuhusga based na narinig mo sa ibang tao?"

Mahinang tumawa si Mere. "Buti na lang po."

"Besides, he reminds me of your dad n'ung bata pa siya."

Ngyaaaaah!

"Mom!" napalakas ang tawa ni Meredith bago nila naghahagikgikang sinutsutan ang isa't isa.

"Babalik ako with clothes for Ash. Gisingin mo na muna siya at mag-brunch na kayo."

"Thank you po, Mommy."

Narinig kong nagsara ang pinto, saglit na katahimikan bago ko naramdamang lumundo ang kama sa likuran ko. Pagkatapos ay nadama ko 'yung kamay ni Mere sa balikat ko at 'yung hininga niya sa leeg ko bago niya ako hinalik-halikan.

"Baby boy," bulong niya sa tainga ko.

Kunyari mabagal akong nagigisng. Binura ko 'yung ngisi ko, bumuntong-hininga bago kumilos para humarap sa kanya. She smiled at me, pero dahil nakatingin ako sa kanya, nakita kong parang umasim ang mukha niya. Kumunot din ang noo ko. "What? What is it?" tanong ko, nag-aalala na.

"'Yang mukha mo," she whined.

Napa-upo ako. "Ha? Ano'ng nangyari?"

Marahan niyang hinawakan 'yung gilid ng mga labi ko. Arekoh! Mahapdi!

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon