Day 26 - Later that Night

56.9K 1.2K 279
                                    

HINDI ako makakilos. Alam kong hindi na makahiga si Meredith sa ilalim ko pero kahit ano'ng gawin ko, hindi talaga ako makakilos. Wala akong ibang magawa kundi manginig at humingal at manginig ulit. Bulag nga yata ako. Wala talaga akong makita. Wala rin akong marinig, 'yung buzz lang sa tainga ko na hindi ko alam kung ano.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nand'un, na nasa ibabaw lang niya ako, na yakap lang niya ako pero nakuha ko pa rin namang mag-angat ng mukha... well, kung pag-angat ng mukha ang tawag mo d'un sa paggalaw ng ulo ko para makiskis ko ang ilong ko sa sentido niya.

Kaya pala wala akong makita, nakabaon sa buhok niya 'yung mukha ko.

"Are you okay?" hingal ko na tunog ng boses ni Christian Bale ang boses kapag siya si Batman, 'yung parang may laryngitis.

Hindi siya sumagot. Nagka-energy ako sa pag-aalala kaya napa-angat ako ng mukha para tingnan siya.

Ayun... na-knock out pala.

Di ko alam kung maiinsulto akong tinulugan ako o magyayabang na sa sobrang galing ko, nawalan siya ng malay.

Sige na nga, magyayabang na lang ako.

Ngumisi ako, tumungo para halikan siya bago marahang gumulong sa tabi niya para di ko na siya dinadaganan. Pero hinawakan ko siya sa balakang para, you know, magkadikit pa rin kami. Komportable eh.

Then, pinagmasdan ko lang siya. Medyo magkahiwalay 'yung mga lips niyang medyo namamaga sa mga halik ko saka pawisan 'yung mukha niya kaya nakadikit sa balat niya 'yung buhok niya.

Hindi pa ko nakakakita ng ganito kagandang babae sa buong buhay ko kung saan wala akong ibang ginawa kundi maghanap ng magagandang babae.

O siguro dahil in love ako sa kanya at bulag na ako pagdating sa ibang babae.

Ang weird. Mula nang makilala ko 'tong babaeng 'to, naging corny at mushy ako.

Hinila ko siya palapit sa 'kin at gumalaw siya para sumiksik sa dibdib ko habang ginagamit na unan 'yung braso ko. I also pulled her thigh higher up my waist and pressed closer to her.

Hinalikan ko siya sa noo at pumikit na rin pero hindi ako matutulog. Hindi pa. Tatambay lang muna ako rito.

"You're humming," bulong niya at napadilat ako bago ako tumungo para tingnan siya. Inaantok 'yung mga mata niya and she was smiling shyly up at me.

Napangiti na rin ako. "Was I?" Akala ko nasa isip ko lang 'yung kantang You and Me ng Lifehouse, napalakas pala. "Sorry, nagising ba kita?"

Nag-blush si Meredith. "Sorry, nakatulog pala ako."

Mas lumaki ang ngisi ko and she laughed softly and pressed her face to my shoulder.

"Are you all right?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya. Naramdaman ko siyang tumango.

"I'm better than all right," she said against my skin. "I'm great."

"Hindi ba ako 'yung great?"

Tumawa siya ulit at nag-angat ng paningin sa 'kin. Hindi ko lang maalis 'yung ngisi ko.

"Natulala ka na naman," biro niya.

Kahit naman siguro ikaw matutulala kapag makakita ka ng anghel di ba? Sa isip ko na lang 'yun. Baka sa sobrang corny ko, eh kahit gaano ako kagaling sa kama, iiwan niya pa rin ako. Mahina na lang akong tumawa bago tumungo para halikan siya.

Alam mo 'yung sinasabi nilang "afterglow"? 'Yung part after ng sex kung saan nagka-cuddle lang kayo at nagbubulungan ng corny na mga linya bago kayo mag-sex ulit? Ngayon ko lang naintindihan kung bakit may "glow" sa pangalan niya. Pakiramdam ko talaga nag-go-glow ang paligid ko. And yeah, that sounds hella gay pero wala akong pakialam. Lumulutang talaga ako.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon