Day 12

50.6K 1.4K 243
                                    

WEDNESDAY at Thursday, wala kaming ginawa ni Meredith kundi troubleshoot, damage control, at mag-review ng financial reports na kailangang balikan dahil nga sa hinayupak na embezzler sa department namin (naks, dume-department namin). So kung naghihintay ka ng update sa love life ko... wala.

Ni hindi nga ako nakaporma sa hatid sa gabi dahil late na nga kaming umuuwi at nandoon na ang driver ni Meredith. Sa kotse na lang tuloy ako nakakahatid. Pero bumabawi ako sa lunch. Nagdadala ako ng lunch sa office niya at sabay kaming kumakain.

At n'ung Wednesday, nasa opisina niya kami, nagla-lunch n'ung tumawag si Craig. Ako ang sumagot. Ay sos! Na-imagine ko na lang na umusok ang mga butas ng ilong ng tarantado dahil kahit personal na linya ni Meredith eh ako ang naka-usap niya.

Istorbo siyang gago siya eh. Kumakain ang boss ko, tatawag-tawag siya.

At least ngayon, Friday na. Bukas, pagkatapos ng 9 A.M. meeting, p'wede na kaming mag-relax.

Nag-ring ang phone ko ng mga 4:30 ng hapon. Nakita ko lang ang number ni Meredith sa readout, kinilig na 'ko.

"Ma'am?" sagot ko.

"Ash, na-a-access mo ba 'yung F drive?" tanong ng harassed na tinig ni Meredith.

Nag-click ako sa computer at nag-map ng access sa servers. Nahilo na 'ko sa kaka-ikot ng cursor, hindi pa rin ako makapasok ng F drive.

"Hindi, ma'am. Pero pramis, di ko siya binura."

Mahinang tumawa si Meredith. "Kanina lang na-access ko siya kaya nilipat ko lahat ng files kasi mag-aayos sana ako ng folders sa shared drive natin. Then ngayon, wala na. Di ko tuloy alam kung nalipat. Eh ang tanga lang kasi nag-cut and paste ako, hindi copy/paste." Narinig kong nag-ta-type siya. "Eh wala na siya d'un sa folder na pinagkunan ko."

"Hindi mo ba p'wedeng i-undo? Ctrl Z?" Yeah, may alam din ako sa computer kahit paano. Baka kasi may mabura na naman ako.

"I already did. Wala pa rin." Parang naiiyak na siya.

"Sandali. Puntahan kita."

Ibinaba ko ang phone at tumayo mula sa mesa ko. Ang yabang lang ng tunog di ba? Marunong lang mag-Ctrl Z, feeling IT na ako. Hindi naman ganoon karami ang alam ko pero baka kailangan lang niya ng moral support, alam mo na. Ng comforting hug o kaya torrid kiss, that sort of thing.

Kumatok ako sa pinto at binuksan iyon. She lifted her head to look at me. Naka-upo sa mesa niya si Meredith, namumula ang mukha, kagat ang pang-ibabang labi at halatang naiiyak na.

On ordinary days, she handled clients from at least seven different countries, at least two hundred local employees, one asshole best friend and one slightly clueless albeit handsome and charming, personal assistant (ako 'yun kung di mo kaagad na-gets), and made it look easy. Nagiging madali tuloy makalimutang twenty-five lang siya.

I slowly closed the door behind me, and she stood up. Naglakad kami patungo sa isa't isa, my arms opening, her shoulders dropping. Then I had her in my arms and she had her arms around my waist, her face pressed against my chest.

"I'm sorry," she said in a small voice. "Pagod na kasi talaga ako."

Hinaplos ko ang buhok niya. "Okay lang. Nakakagulat nga na ngayon ka lang napagod. Ako nga, pinapanood lang kita, pagod na ako eh."

Hindi siya sumagot pero hindi niya ako binitawan. Okay lang. Kahit forever ka na d'yan.

After a while, I kissed the top of her head and she let me go. Kinuha ko ang kamay niya at giniya siya sa sofa sa seating area ng opisina niya. "Upo ka muna," sabi ko. At nang sumunod siya, nagpunta ako sa mesa niya at inangat ang receiver ng phone. Ni-dial ko ang IT department at kinausap si Karl, 'yung nag-ayos ng mga files na binura ko n'ung bagong pasok ako rito. Nag-open siya ng trouble ticket at sinabing siya na ang bahala.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon