Day 39 - Later that Morning

48.8K 1.3K 328
                                    

A/N: Thank you so much to everyone who has left a comment sa last three chapters! Hindi ko pa sila nababasa kasi alam kong ma-hu-hurt ako para kay Meredith haha at ayokong ma-compel akong magpaliwanag para sa kanya sa comments. Gusto kong siya ang magpaliwanag at kay Ash niya gawin 'yun. Ito 'yung paliwanag na 'yun so this is a semi-long, very talk-y chapter. Kung may questions pang hindi ko pala nasagot, please feel free to let me know. Magbabasa na ako ng comments mamaya ;) Thank you!

MATAGAL kaming naka-upo nang gan'un, tahimik lang na magkayakap. Di ko alam kung gaano na katagal, basta halik lang ako nang halik sa kanya at iyak lang siya nang iyak. Inatake na naman ako ng mala-ulcer kong sintomas sa nerbyos ko sa mga susunod na mangyayari, sa mga pag-uusapan namin. Hinaplos ko siya sa braso at kinuha ni Meredith 'yung kamay ko. Suminghot siya at nagsimulang tumayo. Humigpit ang hawak ko sa kanya.

"Kukunin ko lang 'yung first aid kit," sabi niya na paos ang boses.

"Sasama na 'ko. Pahiram ako ng T-shirt." Duguan kasi 'yung suot ko.

Tumayo kaming dalawa. Nakita kong tiningnan ni Meredith 'yung susi na inabot ko sa kanya na hawak pa rin niya. "What is this?"

"Mamaya na," sabi ko na nakangiti kahit masakit 'yung pisngi at labi ko. Ibinaba niya 'yung susi sa sidetable at inabot ang kamay ko. Magkahawak-kamay kaming nagpunta sa banyo niya.

Nagkagulatan kami ng reflection ko sa salamin. Mukha pala akong survivor ng zombie apocalypse. Namamaga na 'yung isa kong mata, putok 'yung labi ko at may pasa ako sa gilid ng bibig. Mas guwapo pa rin kay Craig nang di hamak, siyempre, pero kaya naman pala mahapdi ang mukha ko.

Naghilamos si Meredith bago kinuha 'yung first aid kit mula sa isang drawer. Bumalik kami sa silid ng mga closets niya at kumuha siya ng isang T-shirt mula d'un. Nakilala ko 'yung inabot niya sa 'kin. T-shirt ko 'yun eh. Nagbihis ako ng pang-itaas. Sana nag-shower na rin ako kasi amoy bar at damuhan ako dahil nagpagulong-gulong kami ni Craig sa Bermuda kanina kaya lang wala naman akong pampalit na underwear kaya mamaya na.

Bumalik kami sa kama at pinaupo ako ni Meredith d'un bago siya naupo sa tapat ko. Tahimik lang kami habang nililinis niya 'yung mga galos ko sa mukha at sa mga kamay. Ngayon ko nararamdaman 'yung kirot sa buko ng mga daliri ko.

"Mag-aaway na ba tayo?" tahimik niyang tanong nang maligpit 'yung mga ginamit para gamutin ang mga sugat ko.

Kinuha ko 'yung mga kamay niya. She looked up at me. "Baby girl, I love you," simula ko. "And may tiwala ako sa 'yo. Kaya lang may mga bagay tayong kailangang pag-usapan at sabihin sa isa't isa. Hindi naman dahil sa hindi ako naniniwalang wala kang ginawang masama. Pero kasi ang dami kong mga kailangang malaman. Please, 'wag mong masamain 'tong mga itatanong ko ha?"

Mabilis siyang tumango, basa na naman ang mga mata. I hated it pero kailangan talaga. Naghanda akong ungkatin na naman lahat ng sakit, hapdi at sama ng loob na gusto ko na lang sana ibaon sa hukay... kasama ni Craig.

"Ano'ng ginagawa ni Craig dito kanina? Kasi magkasama na nga kayo kagabi n'ung iniwan kita sa Serendra. Magdamag ba kayong magkasama?"

Tumango siya. Kumirot ang puso ko pero naghintay ako ng paliwanag niya.

"Nag-volunteer siyang ihatid kami kina Alessa" sabi niya na maliit ang tinig. "Gusto ko kasi siyang kausapin, once and for all. Kagabi kasi... he was flirting with me the whole night. It was inappropriate because he knows I have a boyfriend and it made me uncomfortable."

"Does it have anything to do with the picture he sent me?"

Nag-angat siya ng paningin, salubong ang mga kilay. "What picture?"

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon