Day 39

41K 1.4K 475
                                    

NAGMISTULANG scene sa pelikula ni Jason Statham ang mga sumunod na nangyari.

Sinuntok ko si Craig. Di ko na alam kung saan tumama 'yung mga suntok ko. Nakatama din siya sa 'kin. Alam ko kasi masakit 'yung panga ko. I welcomed the pain. Mas gusto ko 'yun kesa d'un sa hapdi na kagabi ko pa nararamdaman. Mabilis ko rin siyang binalikan . Ni hindi ko nga siya ginamitan ng martial arts. Basta gusto ko kamao lang. Gusto kong matagal ko siyang masaktan. Eh mabilis siyang mawawalan ng malay kung sipain at tadyakan ko siya.

Duguan na 'yung kamao ko pero hindi ko alam kung dugo ko ba 'yun o galing sa mukha ni Craig. Nakahiga na siya sa damuhan, sinasangga na lang 'yung mga suntok ko kasi naka-upo na ako sa kanya. May nagsisigawan na sa likuran namin at may yumakap sa 'kin mula sa likuran para hilahin ako. Pumagitna sa 'min si Meredith bago ko pa masugod ulit si Villacorta na dinaluhan naman na ni Kuya Armand.

"Ash, tama na!" sigaw ni Meredith sa 'kin at hinila ako patayo n'ung nasa likuran ko na si Tito Eman pala. Humihingal pa rin ako at gusto pa ring lumapit kay Craig na naka-upo na, basag ang mukha at umiiling lang habang kinakausap ng guard.

Ano'ng iniiling-iling mo d'yan? Kulang pa? Teka...

Nagpunta sa harapan ko si Tito Eman na parang nabasa ang iniisip ko at sinimulan akong igiya palayo.

"Tama na, tama na," paulit-ulit na sabi ng daddy ni Meredith. Hindi niya kaagad binitawan 'yung mga balikat ko at halos yakap na niya ako. Siguro nag-aalala siyang baka nga resbakan ko pa si Craig. Lalo na't masama pa rin ang tingin ko sa gago kahit pa isang mata ko na lang ang naibubukas ko.

Nakaluhod sa damuhan 'yung mag-ina at nagsimula na naman akong magalit. Ba't 'yung hayop na 'yun ang dinadaluhan ni Meredith?

Hindi ako makapagsalita. Tinapik ko si Tito sa braso at nagsimula akong maglakad sa direksyon ng gate nila. Ayoko na. Aalis na muna ako. Hindi ko na kaya.

"Ash!" sigaw ni Mere at marahas ko siyang binalingan.

"Ano?" asik ko. "Bakit ko binugbog 'yang Craig mo? Ano sa tingin mo? Thank you for giving me another chance last night, sweetheart"—ulit ko sa naaalala kong narinig kong sinabi ni Craig—"Pa-chance-chance pala siya habang nabubulok ako kakahintay na umuwi ka! Nag-alala pa akong may nangyari na sa 'yo kasi hindi ka man lang nag-text! Eh bakit nga naman pala eh kasama mo 'yang si Craig mo!"

Para kong sinaksak ang sarili ko sa bawat salitang lumabas mula sa bibig ko.

Kanina namimilog ang mga mata niya nang lumapit siya sa 'kin. Na-realize kong walang galit sa mukha niya n'un kasi ngayon, meron na.

"Ang kapal naman ng mukha mo mambintang!" sigaw na rin niya. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko, wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan!"

Humakbang ako palapit. Meredith held her ground and looked up at me defiantly. "Wala? Paano mo ipapaliwanag si Villacorta ngayon? Paano mo ipapaliwanag na siya ang naghatid sa 'yo rito sa bahay eh kagabi magkasama rin kayo? Ano 'yun? Umuwi siya kagabi tapos sinundo ka niya kila Charlie kaninang umaga? 'Yung picture na galak na galak ka pang nagpapahalik sa kanya, paano 'yun? Ph-in-otoshop ang mukha mo sa katawan ni Gianna? 'Tapos sabay pa kayo nag-lunch kahapon pagkatapos kong sabihin sa 'yo na ayokong nakikipagkita ka sa kanya!"

Derederecho na ang mga akusasyon at panunumbat. Masyado nang masakit eh. Hindi ko na makimkim. Wala akong karapatang sabihan siya nang gan'un? Binigyan kaya niya ako ng karapatan. Una, n'ung sinagot niya ako at pangalawa, nang bigyan niya ako ng dahilang magduda!

Tangina, ganito ba talaga kahirap 'to?

"Ano'ng mga pinagsasasabi mo d'yan?" pasigaw niyang tanong. Hindi ko siya pinansin.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon