Day 39 - At Twilight

47.6K 1.5K 365
                                    

LUMABAS ako ng banyo at nakitang nasa kama ko si Meredith, nakatingin sa phone niya. Nag-angat siya ng paningin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. She sighed dreamily.

"Sige na nga, binabawi ko na." Tumayo siya at lumapit sa 'kin. Hinila niya 'yung kurbatang suot ko at napatungo ako. "Mas hot ka na kay Kuya Lex para sa 'kin."

Tumawa ako, hinawakan siya sa mga balakang at halikan siya. "Ganito naman ako araw-araw sa office ah," paalala ko. "Mas pormal pa nga ako d'un eh.."

Hindi kasi masikip ang pagkakatali ko ng kurbata. Itinupi ko rin 'yung mga manggas ko para di naman ako mukhang office boy. "Saka wala pa 'kong mga pasa d'un."

"Ay, sorry. Hindi mo pala alam na mas hot ka sa 'kin kapag pauwi na tayo kaysa kapag bagong pasok tayo? 'Yung kapag nakatupi na 'yung sleeves mo at maluwag na 'yung kurbata mo."

I grinned. "Really?"

Tumawa siya. "Now you know. Isa pa, you kinda made me hot kanina, habang nakikipagsuntukan ka."

Tumawa ako. "'Lika na nga! Baka di tayo maka-alis sa mga pinagsasasabi mo."

"Sa 'yo ko naman natutunan 'tong mga pinagsasasabi ko. Fast learner, remember?"

Umiling ako. "You're dangerous."

Kinuha ko 'yung kamay niya at lumabas na kami ng condo ni Kuya bago ko pa nga siya dalin sa kung saan doon. Sa elevator, nag-text ako kay Kuya Lex na papunta na kami. Inakbayan ko si Meredith at hinila palapit sa katawan ko. Nakatingin siya sa mga numbers ng floor pero ako, nakatingin ako sa reflection namin sa salamin.

Parang gusto kong maalala lahat ng nangyari sa araw na ito kasi pagkatapos nito, iba na ang buhay ko.

Panira 'yung mga pasa ko pero alangan naman kung hintayin ko pang gumaling sila bago ako mag-propose. Basta ngayon na 'yung tamang oras. Totoo pala 'yun, 'yung sinasabi nilang alam mo kapag tamang oras na.

This was the time for us.

"SAAN TAYO pupunta? Sa High Street?" tanong niya nang mapansing papunta kami ng BGC.

Umiling ako, nagpipigil ng ngiti.

"Sa Serendra?"

Umiling ako ulit.

"Burgos Circle?"

Umiling ako ulit.

"Eh saan nga?" pangungulit niya habang nagmamaneho ako.

"Padyak ka muna."

Malakas akong tumawa nang masangga ko 'yung kamay niyang papunta na naman sa nipple ko. "Ito, nanananching ka na lang eh!"

"Saan nga tayo? Sa office?" tanong niya nang mapansin 'yung kalyeng tinatahak namin.

"Oo. Sa pantry tayo kakain."

Tiningnan niya ako na para bang di sigurado kung seryoso ako o hindi. I grinned at kinurot niya ako sa tagiliran.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang iniliko ko ang sasakyan sa kanto ng street papunta sa bago naming bahay. Pinilit kong mag-relax kasi baka mahimatay ako sa kakulangan ng oxygen sa utak.

Sinulyapan ko si Meredith na nakatingin sa labas ng bintana pero nang iliko ko ang kotse papasok ng gate ng condominium complex, napalingon siya sa 'kin.

Sinaluduhan ako ng guard at mahina akong bumusina sa kanya bago nagmaneho papunta sa underground parking garage ng bago naming building.

"Ash," sabi ni Mere, mapagtanong na nakatingin sa 'kin, namimilog ang mga mata. Matalino siya. Malamang may idea na siya kung ano ang binubuksan ng susing ibinigay ko sa kanya.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon