Day 25

56.4K 1.2K 280
                                    

SIGE NA, ako na ang excited.

7:10 pa lang ng umaga ng Thursday, nasa opisina na ako, nakangisi sa computer screen ko at nagtatapos na ng mga last minute stuff na kailangan kong ayusin. Excited na akong magtatakbo palabas ng building habang sumisigaw ng "FREEDOM!" kahit alas-dos pa kami aalis ni Meredith.

Masisisi mo ba naman kasi ako? First vacation ko kasama niya 'to, one long weekend kung saan solong-solo ko siya. Swimming, kain, tulog, swimming, kain, tulog... at sana, kung suwerte ako, may extracurricular activities in between, if you know what I mean.

Dumating si Meredith before 8. Nakita ko siyang pumasok sa opisina namin na may dalang isang purple na shoulder bag at isang itim na duffel bag. Nakangisi ko siyang sinalubong, tumungo para sa good morning kiss ko at kinuha ang dala niyang duffel bag.

"Excited na 'ko," sabi niya habang papunta kami sa opisina niya. Hindi rin niya itinago ang tuwa niya. "Hindi pa ba 2 P.M.?"

"Hindi pa eh," sagot ko. "Pero kung gusto mong tumakas, pwede naman na tayong umalis. Bahala na 'yung mga kliyente natin."

Natawa siya at naupo sa likuran ng mesa niya habang ibinababa ko sa sofa ang bag niya.

"Nasa inbox mo na ang listahan ng mga meetings mo ngayon saka mga notes for those meetings. I also need your signature on the files over here," lumapit ako sa mesa niya at tinapik ang folder na ipinatong ko roon kanina, "so I can send them to the Ayala office today before we leave."

Sabay kaming napangiti sa isa't isa nang mabanggit ko na namang aalis kami.

"Gusto mo bang magpa-deliver ako ng lunch or 2 na tayo mag-lunch? Bago tayo bumiyahe?"

"Kahit pag-alis na lang natin. I doubt makakakain ako bago n'un. Super excited ako eh."

I chuckled, moved closer to her and leaned down to kiss her on her lips. "All right," sabi ko. "Pag-alis na lang natin. Have a great day, Miss Balajadia."

She lifted her hand and cupped my cheek. "Thanks, Mr. Montesines."

She pulled me down for another kiss bago ako binitawan. Tumuwid ako, kumindat sa kanya bago lumabas ng opisina niya para bumalik sa mesa ko.

Six hours, fourteen minutes left...

SIX HOURS, ten minutes later, naka-upo na ako sa sofa sa opisina ni Meredith, nakapag-clear na ng inbox, naka-set up na ng automatic out-of-office email replies mula sa mga email accounts namin ng boss ko, naka-shut down na ng PC at nakalinis na ng mesa. Naghihintay na lang akong matapos ang huling meeting ni Meredith, 'tapos itatakas ko na siya.

Patingin-tingin lang siya sa 'kin habang nakikipag-usap sa mga Hapon sa isang video conference at kinakawayan ko naman siya sabay turo sa suot kong relo. Mas mangingiti siya bago babalikan ang mga ka-meeting.

Nagpangalumbaba ako habang pinagmamasdan siya. Nakasuot siya ng puting blouse, paldang hanggang tuhod na may print ng mga light blue na bulaklak, at flat shoes. I guess, 'yun ang idea niya ng office/travel attire. It was sexy.

She was sexy. Lalo na ngayong naka-VP mode siya. Ang hot lang ng babaeng confident.

Tingnan mo nga naman kung gaano ako ka-suwerte ano? Tsk, makabili na nga ng helmet at baka matauhan siya't bigla akong iwan.

Na-excite ako nang marinig na nag-se-set up na siya ng schedule para sa follow-up meeting. Ibig sabihin, malapit nang matapos! Yahoo!

"All right," sabi ni Meredith na medyo mas masaya kaysa sa normal ang tinig. "If there's nothing else, I'll talk to every one next week. Doumo arigatou gozaimasu."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon