Day 4 of 4

32.9K 1.4K 273
                                    

PAKIRAMDAM KO bata akong hindi naka-afternoon nap. O kaya ay buntis ako't naglilihi. Basta buong arawakong konsumido.

Kaninang umaga, may dalawang kotse yata akong muntik nang banggain dahil naniniksik at sumisingit sa linya ko sa kalye ang mga tarantado. May ilan din akong gustong sagasaang nag-je-jaywalking na nga eh para pang namamasyal sa Luneta habang tumatawid. Umulan talaga ng mura sa loob ng kotse ko na pakiramdam ko kailangan ko ng pari para ipa-bless siya kasi baka malasin.

Hindi ko talaga araw ngayon eh. Masyadong matamis 'yung kapeng binili ko sa Starbucks at masyadong matabang 'yung kape sa vendo sa office. Ang bagal ng Internet. Ang daming nag-e-email. Ring nang ring ang desk phone pero nanatiling tahimik ang smartphone ko.

Offline si Meredith sa chat at nag-text lang na baka buong araw siyang hindi makatawag kasi napaka-busy raw ng last day ng conference at darating pa nga raw si Ninong Ernest kaya busy rin siya sa paglipat ng suite at sa pag-welcome sa ninong ko.

Nakakainis! Ako na nga ang naiwan dito sa Maynila, ako pa ang hindi kakausapin nang isang buong araw dahil busy sila sa ninong kong nand'un naman.

Nag-text ako kay Ninong na may utang siya sa 'king mamahaling pasalubong dahil naka-focus sa kanya si Mere ngayon imbis na sa 'kin.

Natirintas ang mga kilay ko sa screen at padabog akong humalukipkip. Kahit 'yung mga bagong bulaklak na naghihintay sa 'kin sa mesa ko, hindi masyadong nakatulong (pero kinilig pa rin naman ako sa kanila).

Miss na miss na miss ko na si Meredith. Dala ko na nga 'yung unan niya sa opisina sa pagka-miss ko sa kanya kahit pa amoy Ash na siya.

Alam mo 'yung mas nakaka-inip ang isang bagay kapag malapit na? Puwes, iyon mismo ang nararamdaman ko dahil isang tulog na lang, uuwi na siya, pero inis na inis ako kasi so near yet so far ang isang tulog...

'Wag na kaya akong matulog?

Ni-minimize ko ang window kung saan ako kasalukuyang nagta-type ng report at tinitigan ang picture namin ni Meredith sa screen. Bumuntong-hininga ako bago muling ibinalik 'yung document file.

Sandali na lang, Montesines. Ngayon ka pa magpapa-baby.

Lumabi ako ulit bago nagsimulang mag-type.

HIRAP na hirap talaga ako buong araw. Para 'kong may PMS. Nagkulong lang ako sa office ni Mere at nag-lunch lang ng gummy bears na nahalungkat ko sa pedestal niya. Hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Nakiusap ako kay Abby na siya na muna ang bahala sa calls ko. Sinabi ko na lang na may urgent lang akong tinatrabaho, na totoo naman kaya lang kaya ko namang sumagot ng tawag habang ginagawa iyon, pero ayoko lang talagang may maka-usap lalo na't hindi ko pa nakakausap si Mere buong araw. Nag-text lang siya ulit kanina.

"Nandito na si Tito Ernest. Magkasama na sila ni Tita V. Sorry, I can't talk. Super busy talaga, baby boy. I'll talk to you tonight, I promise. Love you!"

Sumagot ako pero di pa siya nagre-reply. Kaya magsusuplado muna ako.

Bukod kay Abby, ang naka-usap ko lang ay ang pinsan kong si Ate Stella kasi nag-order ako n'ung fruit bouquet para dessert sana mamaya pagkatapos naming kumain ng dinner, at si Tita Marianne na nag-confirm ng six p.m. date namin.

Nagpakasawa rin ako sa playlist ni Meredith hanggang sa mapaos na sa kakakanta si Ed Sheeran.

Mga 4:30 pa lang yata, kating-kati na akong umalis. Nahihiya lang akong mag-undertime kaya nanatili ako sa mesa ni Mere. Gayunpaman, nang pumatak ang 5 P.M., nasa reception na ako, parang sanggol na hawak sa isang braso ang vase ko ng mga bulaklak at nagpapaalam na kay Abby.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon