Day 5 - Night

68.1K 1.7K 438
                                    

"So what is Ash short for?" tanong ni Merdith habang kumakain kami.

Nahirapan na kami sa mga buhay namin kaya naupo na kami sa sahig habang nasa centertable ang mga pagkain. Mahirap kumain nang nasa kandungan ang pinggan, ba.

"Wala," sagot ko. "Ash lang talaga."

"You mean Ash lang ang pangalan mo? Hindi Ashton or Ash... Ashhh..." Naningkit siya habang nag-iisip ng iba pang pangalang p'wedeng maging nickname ang Ash.

Ngumisi ako. Ang cute kasi niya.

"Ash lang talaga. Tig-one syllable names lang kami ng mga kapatid ko. Kaye lang talaga si Ate Kaye, at Lex lang talaga si Kuya Lex. Ayaw kasi ng nanay namin na pangalanan kami ng mahaba tapos bibigyan lang kami ng maiksing nickname. Isipin mo kung ang Ash eh short for Juan Apolinario Jose Marie Antonio Montesines. Di ba nakaka-asar?"

Tumawa si Meredith. "Sabagay," sabi niya bago inabot ang baso ng softdrink. She sipped from the straw. "Kilala ko pala ang mga kapatid mo. Hindi kami close pero nagkikita kami sa mga social functions."

Nagkibit-balikat ako bago muling sumubo ng chicken. "You would. Pareho kayo ng mundo."

Sinulyapan niya ako. "Bakit hindi ka part ng mundo na 'yun?"

"Ako?" tawa ko. "Nakikita mo ba akong nasa gitna ng boardroom at nang-i-intimidate ng mga tigasing businessmen?"

Si Meredith naman ang nagkibit-balikat habang may maliit na ngiti sa mga labi. "Why not?"

Umiling ako. "Eh ito ngang assistant mo lang ako, napapagod ako sa buhay mo eh. Mag-ambisyon pa ba akong maging katulad ninyo? Babagsak ang negosyo ng pamilya namin."

"Sobra ka naman!"

Umiling ako. "Trust me. Recessive gene yata ng pagiging business-minded ang napunta sa 'kin."

Muling kumain ng roast beef si Meredith. "Eh what do you do?"

"Ako ang proud PAL ng pamilya Montesines," natatawa kong sabi. "Palamunin, tambay at blacksheep."

Nanatiling ngumunguya si Meredith habang pinapanood ako. Lumunok siya bago nagsalita. "Is that what they're telling you?" tanong niya na nakataas ang isang kilay.

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong.

"'Yan ba ang sinasabi nila sa 'yo o 'yun ka talaga?"

Napa-isip ako d'un ah. At napahinto. Kumunot ang noo ko. She smiled and put another bite of beef into her mouth.

"Both, I guess," sagot ko, honest.

"Kasi di ba, you tell a kid enough times that he's a bad child, he'd end up believing it."

Tumawa ako kahit medyo napa-isip ako. "Ay, naku, maniwala ka. I gave them enough reason to tell me I was a bad child. 'Yung huling malaking rason, six weeks ago ko lang ibinigay sa tatay ko."

Inusli niya 'yung mga legs niya sa ilalim ng center table. Ay Diyos ko, ang puputi!

"Ash?"

Nag-angat ako ng mga mata. "Huh?"

Her lips quirked. "Sabi ko ano'ng nangyari? And does it have anything to do with why you're here working for me?"

Huminga ako nang malalim. "Let's make a deal," sabi ko, sumusulyap sa kanya. "I'll tell you why I'm here if you tell me what happened earlier with Craig."

Mahina siyang tumawa at nag-iwas ng tingin.

"Come on!" pilit ko. "Fair trade 'yun. Isa pa, alam ko namang kailangan talaga ng isang tao ang kausap kapag ganitong panahon. I know, I know," nagtaas ako ng mga kamay. "Hindi pa tayo close. Pero kung si Sheri ba ang kasama mo ngayon, hindi mo ba ikukwento sa kanya 'to? I'm sure pag-uusapan ninyong dalawa hanggang sa huling hakbang ni Craig papasok sa elevator."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon