Prologue

203K 2.9K 474
                                    

"INUTIL!" sigaw ng tatay ko.

It was nothing personal, I know. Isandaang libong beses ko na siguro narinig 'yun mula sa kanya at hanggang ngayon, sa tuwing sinasabi niya 'yun, ang naririnig ko ay "ang gwapo mo talaga, Ash! Regalo ka ng Panginoong Diyos sa mga kababaihan". I think inuulit-ulit niya 'yun dahil hindi talaga tumatatak sa isip kong inutil ako. Pasok sa isang tainga, labas sa ilong.

"Bakit hindi ka tumulad sa mga kapatid mo?"

Sa mga kapatid kong less than perfect, of course.

"Hanggang ngayon, wala ka pa ring silbi!"

I breathe, Dad. Nagpo-provide ako ng carbon dioxide sa mga puno at halaman.

"Sayang ang pera ko sa pagpapaaral sa 'yo!"

Aba, Dad, alalahanin mo, hindi ako ang nagpumilit na mag-aral ako. I was the one who didn't want to go to school. And I did graduate, didn't I? Took me seven years pero ayan, may diploma na rin ako, sa wakas!

"Ilang taon ka na, wala ka pa ring trabaho! Walang kinabusakan! Palamon!"

Dad, bagong graduate di ba? Trabaho kaagad? Di ba p'wedeng pahinga muna? Isa pa, buti nga hindi ako malakas kumain.

Marami pang sinabi ang tatay ko pero hindi ko na naintindihan masyado. Imaginin mo ang hitsura ko. Nakahiga ako sa kama, may nakasaksak na IV sa likod ng kamay. I have three or four broken ribs, lacerations on my arms and face, a broken leg and a concussion. No biggie.

Kakagaling ko lang kasi sa aksidente. I accidentally drove my dad's car into a concrete barrier sa C5 because I accidentally drank a liiiiittle too much Jack Daniels when I accidentally attended a high school friend's birthday party. Kahit 'yung birthday niya ay aksidente to be honest. He was a product of one druken night and a broken condom.

Point is nakaratay ako habang naglilitanya ang tatay ko, lango sa pain killers at halos walang malay kaya wala talagang epekto sa 'kin ang pinagsasasabi niya.

"Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko sa kanya, Ernest," galit na galit na sabi ni Daddy. Kalma, Dad. Baka mauna ka pang mamatay sa 'kin. "Hindi ko na talaga alam."

"P'wede bang saka mo na lang isipin 'yan, Efren?" ani Ninong Ernest. "Ni hindi pa magaling si Ash, gan'yan kaagad ang sinasabi mo."

"He totaled a brand new Audi R8!" sigaw ni Daddy. "Gusto mo bang ngumiti at magpasalamat ako sa kanya!"

"Magpasalamat ka na lang na buhay ang anak mo," giit ng ninong ko.

"Magpasalamat? Kung mamatay siya, mas mura ang babayaran ko!"

Love you, too, Dad.

"Huwag ka nga magsalita ng ganyan," sabi ni Ninong.

"Sinusumpa ko, Ernest. Pagkagising ng batang 'yan, I want him out of the house. Suko na ako. Wala na akong pakialam sa kanya."

Bumuntong-hininga si Ninong Ernest. Sanay na rin siya kay Daddy. Ilang beses na rin niya akong binantaan ng ganyan.

"Saka na natin pag-usapan. Basta buhay si Ash ngayon."

Buhay nga ba ako? Well, siguro. Kasi kung patay na ako, malamang hindi naman magiging ganito kasakit ang katawan ko di ba?

"Basta, pagkagising niyan, he's out of the house. Kakausapin ko na rin si Atty. Peralta. I want his name out of my will."

Whoa! Bago 'yun. Medyo kinabahan ako.

"Ganito na lang," sabi ng ninong ko. "Gusto mong matuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa di ba?"

"Yes! Nang hindi siya inutil!"

There goes that word again.

"Bakit hindi na lang ganito," patuloy ni Ninong Ernest. "I'll find him a job."

What?! Ninong, okay ka lang? I've never worked a day in my freaking life!

"He can work there for, let's say, a month—"

"A year," gigil na giit ni daddy.

"Six months."

Talaga bang kailangan ninyong mag-negotiate?

"Six months," patuloy ni Ninong Ernest, "he can work for six months, prove that he can be responsible. Kung hindi, saka mo na siya 'palayasin' kung 'yun talaga ang gusto mo."

Oh, believe me, Ninong. 'Yun talaga ang gusto niya.

Hindi kaagad nagsalita si Daddy. Finally he said, "Six months, Ernest. At habang nagtatrabaho siya, 'wag siyang umasa sa 'kin. I'm not going to pay his credit card bill or his phone bill. He can live somewhere else. Siya ang gumastos kung gusto niyang kumain and his car stays at home. At kapag nagtatrabaho na siya, he can pay me back for the car he wrecked and for the hospital bill."

Gusto kong tumawa. Kung hindi lang siguro masakit tumawa, I would probably be laughing my ass off. Was he fucking kidding? Magtatrabaho ako para bayaran ang isang P14M car? Ano sa tingin niya ang mahahanap na trabaho ni Ninong Ernest para sa 'kin na kikita ako ng ganoong kalaki? Artista? CEO? Pulitiko?

And why the fuck should I pay for his stupid car? Dapat nga magpasalamat siya sa 'kin eh. He was sixty years old and was hoping to drive an Audi R-freaking-8. Ano'ng akala niya sa sarili niya, binata?

"Let's talk about it when Ash is better," sabi ni Ninong Ernest.

"I've made up my mind," sabi ng tatay ko. "Kailangang matuto ng leksyon ang batang 'yan and the only way for that to happen is if he experiences life."

Narinig kong nagbukas at nagsara ang pinto ng hospital room ko, pagkatapos ay nadama ko ang kamay ni Ninong Ernest sa kamay ko.

"Hay, naku, hijo," mahina niyang saad. "What have you gotten yourself into?"

I have no freaking clue, Ninong. No freaking clue.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon