Day 38 - Later that Night

35.8K 1.1K 244
                                    

NAKA-UPO pa rin ako sa semento nang isang pares ng malalaking sapatos ang huminto sa tapat ko. Mabagal akong tumingala... at tumingala... at tumingala—ang tangkad naman nito—at nakita si The Rock.

"Sir Ash, ihahatid ko na po kayo," sabi sa 'kin ni Kuya Midel. Inusli niya ang kamay niya. Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko 'yun kaya lang pakiramdam ko kung magmatigas akong manatiling nakaupo sa kalsada eh bitbitin na lang niya ako bigla sa kuwelyo. Suminghot ako at nagpatulong sa kanya. Hinila niya ako patayo.

"'Yung susi po ng kotse, Sir," sabi niya na inilalahad ang palad. Inabot ko sa kanya 'yung susi at ipinagbukas niya ako ng pinto. Sunud-sunuran akong sumakay sa backseat. Isinandal ko 'yung ulo ko at pumikit. Ang pait ng lasa ng bibig ko, at di lang dahil sa tequila.

Narinig kong bumukas ang pinto ng sasakyan at sumakay si Kuya Midel.

Dumilat ako at lumingon sa labas nang magsimulang umandar ang kotse ko. Lumabi ako, kulang na lang gumawa ng tunog na ginagawa ng mga tuta habang gutom habang pinapanood na lumayo ang Serendra.

Pigil na pigil akong gumawa ng tunog. Baka maderecho sa hagulgol, nakakahiya kay The Rock. Pero diniinan ko 'yung dibdib ko kasi masakit siya. Masakit pa rin ang sikmura ko. Ang di ko napigilan ay 'yung pagsinghot. Tumutulo uhog ko eh.

Nakita kong sinulyapan ako ni Kuya Midel sa rearview mirror.

"Okay lang po ako," sabi ko at nakita kong maliit siyang ngumiti at tumango. Suminghot ako ulit. "May girlfriend ka ba, sir?"

Sinulyapan niya ako ulit sa salamin. "May asawa na po ako."

"Ay, gan'un po? Gaano katagal na kayo kasal?" O di ba? Para ilihis 'yung atensyon niya sa pagiging iyakin ko, nakuha ko pang mag-small talk?

"Mag-te-ten years na po." Huminto siya sa stoplight at tiningnan ako ulit sa salamin. "Madalas pa rin po kaming magkatampuhan."

Aba, eh may sa Papa Jack din pala 'to eh.

"Ano po'ng dahilan ng tampuhan ninyo?" tanong ko, half to be polite, half kasi curious ako.

"Seloso po kasi ako."

Areku. Pero mas areku kung nagselos itong si Kuya Midel at nanapak siya ng pinagseselosan niya. Sa laki ng katawan nito, lipad talaga 'yung susuntukin niya.

"Nagagalit din po sa inyo si Misis?"

"Ay opo. Grabe po magalit 'yun sa 'kin. Lumilipad ang mga pinggan. Natuto akong mag-Frisbee dahil kay misis," nakangiti niyang saad.

Mahina akong natawa. Lumingon ako ulit sa labas ng bintana. Nagfa-flashback sa utak ko ang buong gabi ko.

Hindi ko alam kung saan 'yung simula ng wakas eh. 'Yun bang nag-tequila ako? 'Yung picture... d'un sa picture. Ayoko na siyang tingnan pero parang naka-tattoo na siya sa utak ko.

May paliwanag d'un eh, imposibleng wala. Alam ko meron pero hindi ko maiwasan 'yung asidong nararamdaman ko sa sikmura ko kapag naiisip siya.

Ang dami naming kailangang pag-usapan ni Meredith. Siguro dahil masyado kaming naging masaya sa isa't isa, hindi na namin naisip 'yung mga maliliit na bagay na dapat naming ayusin. Maybe Craig was right. Maybe nasa tagal din ng pagkakakilala 'yun.

O, eh di panalo na siya! Ibigay mo na sa kanya si Mere.

Tangina lang? Itatali ko siya sa concrete barrier sa C5 at babanggain ko muna ng isang factory ng Audi R8s bago ko ibigay si Mere sa kanya.

Suminghal ako. Umiinit na naman ang ang ulo ko.

"Sir?" tawag ni Kuya Midel. Narinig yata ako.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon