Day 6

54.5K 1.5K 170
                                    

KULANG na lang tumalon ang kuya ko at kumapit sa kisame na parang pusa nang pumasok siya sa kusina niya at nandoon na ko, kumakain, nang 6:30 nang umaga ng Sabado.

"Jesus," sabi ni Kuya Lex, kinakabog ang dibdib. "What the fuck, Ash!"

Kumurap ako sa kanya, ngumunguya ng corn flakes. "Ano?"

"Kelan ka pa bumangong ng 6:30 ng umaga?"

"Ah, ngayong linggo?" sabi ko, hawak ang isang kutsara malapit sa bibig ko. Tiningnan ko siya na para bang hindi naiintindihan ang pinagsasasabi niya. "Alam mo na, mula n'ung pumapasok na 'ko?"

"It's Saturday morning!" Hawak pa rin niya ang dibdib.

Tumirik ang mga mata ko at nagpatuloy ako sa pagkain. Nakakapagtaka bang oo, paminsan-minsan eh may malay ako nang Sabado ng umaga?

"Teka. Kadarating mo lang ba? Kaya ka gising?"

"Noooo," sabi ko. "Nauna pa kong umuwi sa 'yo. Hindi na 'ko natuloy sa lakad ng barkada."

Naka-recover na, nagtungo si Kuya Lex sa cabinet na lalagyan ng mga pinggan para kumuha ng bowl. Kumuha na rin siya ng kutsara sa drawer bago lumapit sa 'kin. Pinag-aralan niya ako. "Sino ka at saan mo dinala ang kapatid ko?"

Binalik ko lang ang tingin niya at nanatiling ngumunguya na parang bakang may subong damo.

"Well, you can't blame me," sabi ni Kuya Lex na inaabot ang kahon ng corn flakes. "Nakikita lang kita ng umaga dati kapag wala kang pasok kung kadarating mo lang. Usually, lasing ka pa n'un."

"Naman!" defensive kong saad at tinaasan niya ako ng mga kilay. "Okay, fine. Ganoon talaga ako noon. Pero ngayon, gusto ko lang bumangon. Energized ako."

Nagsalin si Kuya ng corn flakes sa mangkok.

"Magkakilala raw pala kayo ni Meredith?" pasimple kong hirit maya-maya.

"Casually," sagot ng kuya ko na nagsasalin na ng gatas sa ibabaw ng corn flakes. "Hindi kami magkaibigan pero magkakilala kami."

"What do you think of her?" tanong ko.

Sumubo si Kuya ng almusal, ngumuya at lumunok. "Brilliant. Pretty. Pleasant. Maraming nagsasabing suplada siya pero I think mahiyain lang siya."

"Parang ikaw?" tanong ko ulit.

"Yeah, brilliant, pretty at pleasant din ako."

Nagtaka ka pa na ganito ako eh nasa lahi naman namin?

"Sira. I meant 'yung napapagkamalang suplado."

Ngumisi si Kuya Lex. "Ako, suplado talaga ako. Siya, mahiyain lang yata talaga siya."

Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain.

"Soooo, you've never been interested in her?"

Doon ako binalingan ng kapatid ko, mapaghinala na ang mga mata. "What's going on?"

Napaayos ako ng pagkaka-upo at binalikan ang almusal ko. "Wala!"

"Spit it out."

"'Yung corn flakes?"

"Ash."

Tinagalan ko ang pagnguya pero hindi natinag si Kuya. Hinintay talaga niyang malunok ko ang kinakain ko.

"Naisip ko lang na gusto ko siyang maging kaibigan," sabi ko na nagsasalin pa ulit ng corn flakes sa bowl.

"Don't hit on Meredith Balajadia, Ash," babala ng kuya ko na nakaturo sa 'kin ang kutsara.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon