Day 24

54.2K 1.4K 213
                                    

NAGPAKA-BUSY ako nang buong araw ng Wednesday. May secret project kasi ako para kay Meredith. Well, sabi ko para kay Meredith pero may ulterior motive ako, opkors. Ako pa!

So maaga akong pumasok, buong araw nag-hocus pocus sa schedule, nang-harass sa email at telepono, at nagtapos ng ilang araw na trabaho sa loob lang ng siyam na oras. Ako na! Ako na ang employee of the year.

Sa patry na kami nag-lunch ni Meredith. Nagpa-deliver na lang kaming dalawa para makatipid ako sa oras. Curious na curious siya kung bakit aligaga ako buong araw pero di ko sinabi sa kanya kung bakit. Quits lang kami dahil di pa rin naman niya sinasabi sa 'kin 'yung laman ng magic paper bag na dala niya n'ung isang araw.

Nang dumating ang 5PM, kulang na lang sumigaw ako ng "SUCCESS!" at makipag-fist bump sa monitor ko. Mission accomplished ako.

"Ash," tawag ni Meredith mula sa likuran ko at pinaikot ko ang upuan para humarap sa kanya.

"Yes, ma'am?"

Nasa pintuan siya ng opisina niya, nakasilip sa 'kin. "Anong oras tayo aalis?"

Pupunta kasi kami sa bahay ng kabarkada niya di ba? Doon kami mag-di-dinner at ipapakilala niya ako sa kanila.

Tiningnan ko ang relo ko. "Pwede namang ngayon na. Okay ka na ba?"

Tumango si Meredith. "Mukha kasing busy ka buong araw eh. Baka hindi ka pa tapos."

"Di, tapos na," sabi ko na masayang nakangiti. "Alis na tayo?"

"Okay," she said cheerfully at muling pumasok sa opisina niya.

Nag-shutdown ako ng computer at inayos ang mga nakakalat na papel sa ibabaw ng mesa ko. Nang tumayo ako, ready na si Meredith.

Gaya ng ginagawa ko araw-araw bago kami umuwi, inabot ko ang shoulder bag niya para ako na ang magdala. At gaya ng araw-araw niyang ginagawa, hinigpitan niya ang kapit sa bag para di ko 'yun makuha.

Ayaw kasi niyang ipagbuhat ko siya ng bag. Kaya naman daw niya kasi. Kung mabigat daw iyon, saka na niya ibibigay sa 'kin. Okay lang. Hindi rin naman kasi bagay sa 'kin ang kulay lavender na leather shoulder bag. Kung pink pa siguro... joke lang.

Kinuha ko na lang ang kamay niya at bumaba kami ng building papunta sa parking lot.

Malapit lang pala ang condo ng dalawa sa apat na best girl friends ni Meredith. Magkasama ang dalawa sa mga ito sa isang unit sa Serendra sa BGC. Lima kasi silang magbabarkada mula pa noong elementary sila sa Poveda. Nasa New York daw 'yung isa at kasalukuyang nagtatrabaho para sa World Bank. 'Yung dalawang nag-she-share ng apartment ay pareho namang nagtatrabaho sa Deutsche Bank sa Taguig, at 'yung isa ay kasalukuyang paralegal habang nasa UP Law.

Astig di ba? Pati mga kaibigan niya mga bigatin. Kung di ako confident, ma-i-intimidate ako eh.

Pumarada ako sa parking lot sa High Street at bumili muna kami ng pwedeng pang-dessert bago kami tumuloy sa Serendra.

Okay, to be honest, kinakabahan ako. Gets ko na kung ano'ng ibig sabihin ni Meredith na kinakabahan siyang makilala ang mga kabarkada kong nagmukhang pipitsugin kung ikukumpara sa mga kabarkada niya.

Gan'un na ba ngayon? Mas bigatin na ang mga babae? I mean, akalain ko bang magkaka-girlfriend ako ng vice president na bilyonarya?

Kumatok siya sa isang pinto at huminga ako nang malalim. Nagbukas ang pinto at masaya kaming binati ng isang magandang babaeng may aurang katulad ni Meredith, 'yung classy na babaeng halatang may pinag-aralan at may breeding.

Niyakap nito si Meredith bago tuluyang binuksan ang pinto para papasukin kami. "You must be Ash," bati nito na may kiss kaagad sa pisngi ko. "I'm Alessa. Charlie! Pia! Nandito na sila Meredith at Ash!"

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon