Day 3 of 4

36.6K 1.3K 215
                                    

A/N: Gusto kong i-explain ang chapter na ito. It's not very AshMere-ish pero pakiramdam ko kailangan ko siyang isama kasi kailangan kong ipakita kung paano na si Ash pagdating sa trabaho niya. Basta pakiramdam ko kailangan ko siyang ipakita, na kaya niyang maging ganito para mas maintindihan n'yo siya.

That being said, here's part 1 of day 3. Mahaba ang araw na ito ni Ash eh. Enjoy!

KINAKABAHAN akong pumasok kinabukasan. May meeting kasi ako sa Ayala ng 10 A.M. Pinaghandaan ko naman. Halos ma-memorize ko na nga 'yung proposal at cost estimate n'ung project na gustong simulan ng team ni Craig eh. Pagkatapos kasi ng meeting ko sa kanila, ako rin ang kakausap d'un sa client, si Miss Lee Hyun-ji, 'yung Koreanang nag-imbita sa 'kin sa Seoul para tumira sa isa sa mga condos niya. Ako lang naman ang magpe-present sa kanya n'ung proposal nila Craig at ang mag-i-introduce sa kanya n'ung team na makakatrabaho niya. Dati naman na kasing kakilala ni Meredith 'yun at madalas daw si Sheri ang katrabaho so may tiwala raw 'yung kliyente sa assistants niya.

Okay then.

"Kaya mo 'yan," sabi sa 'kin ni Meredith habang kausap ko siya ulit sa FaceTime sa office computer niya. May panibago akong vase ng mga bulaklak, mga kulay puting tulips naman ngayon. Gusto ko silang dalhin sa Ayala para lucky charm sana kaya lang ang weird naman, may dala akong vase ng bulaklak sa meeting?

Bumuga ako ng hangin. "Kinakabahan lang ako kasi first time ko 'to. Kahit n'ung nagtatrabaho ako para kay Kuya, di naman ako nakipag-meeting nang ganito."

Ngumiti siya sa 'kin. "There's always a first time for everything. Saka madali lang ito. Alam mo naman na 'yung mga gagawin at sasabihin. I believe in you! Kaya mo 'yan."

Napangiti ako. "Basta, 'wag kayong magagalit sa 'kin ni Tito Eman kung bumagsak ang negosyo n'yo dahil sa 'kin ha."

Tumawa si Meredith. "Hindi 'yan. Basta be reasonable. Be strict. Mas okay nang pumalpak sa stage na 'yan kaysa kapag napasa na sa client at sila ang nakahanap ng kapintasan. Sabi ko nga, alam mo naman ang mga hinahanap ko sa projects, kung ano ang inuuna kong i-present sa clients. Alam mo rin kung ano ang papasa sa 'kin at kung ano ang hindi.

"Saka isa pa, mas may alam ka pa nga sa 'kin sa project na 'to eh. Nagtrabaho ka kay Kuya Lex. Your brother handles the real estate property development arm of your family's company, right?"

"Yeah pero saling pusa lang naman ako noon. Just so he could keep me out of trouble."

I still ended up in trouble kasi naka-fling ko 'yung secretary niyang sensitive pala at nag-resign n'ung nakipag-break ako. That was something Meredith didn't need to know lalo na't nakaraan na 'yun. Good boy na ako.

"Still, mas alam mo ang mga pag-uusapan mamaya," patuloy ni Meredith. "Saka initial meeting pa lang naman 'yan. May round two, three, four to infinity pa 'yan. Ang role mo lang d'yan ay maging eyes and ears ko habang wala ako. Saka kasi kung ako ang mag-attend sa meeting na 'yan, tahimik lang naman din ako kasi sila lang din ang mag-uusap d'yan. Kailangan ko lang makuha 'yung general feel ng project at sabihin kung magugustuhan ba 'yan n'ung investor or hindi. Naka-usap mo naman na si Miss Lee."

Bumuga ako ng hangin. "Yeah, okay. Okay." Pinagmasdan niya ako at tumango ako. "Okay."

"You'll be fine."

Napangiti na rin ako. "Thank you sa confidence mo sa 'kin. Naniniwala tuloy akong kaya ko kahit ano."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Hindi mo ba kaya lahat?"

Tumawa ako. "OA na."

Bumungisngis siya.

Sandali pa kaming nag-usap bago pa namin kinailangang magpaalam. Magsisimula na 'yung isang keynote speaker at kailangan ko na ring umalis.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon