Day 1

127K 2.3K 432
                                    

PARA ipakita na hindi naman ako kawawa (dahil hindi naman talaga ako poor little rich boy), mabait naman ang mga less-than-perfect kong mga kapatid. At least, 'yung less-than-perfect kong kuya, mabait 'yun. 'Yung ate namin ang may kaparehong ugali at mga opinyon sa tatay namin. I think paborito siya ni Dad kasi kung hindi, aagawan siya ni Ate ng trono sa impyerno.

It took me six weeks to fully recover. Okay, so apat na linggo lang pero kung alam mo bang anim na buwang slave labor ang kasunod ng recovery period mo, hindi mo ba 'yun papatagalin? So limang linggo na akong nakatira sa Kuya ko mula nang ma-discharge ako sa ospital (after a one week stay) kasi hindi ko nauto—I mean, determinado talaga ang tatay kong turuan ako ng leksyon. Ni hindi niya ako pinaakyat sa kuwarto ko pagkagaling ko sa ospital.

So hinatid ako ni Ninong Ernest sa bahay ni Kuya Lex pagkatapos kong kumuha ng mga damit at iba pang gamit. No need to beg, pusong mamon si Kuya. Ako ang paborito niyang kapatid.

At sa first day ko ng trabaho, siya pa nga ang naghatid sa 'kin sa bago kong opisina.

"Stop playing with your tie," sabi niya nang huminto kami sa stoplight.

"Can't help it." Idinaan ko na naman ang isang daliri sa pagitan ng leeg ko at ng collar ng suot kong long-sleeve kung saan nakabuhol ang kurbata (na hiniram ko rin kay Kuya). I doubt you'd see me as a guy who wears ties, much less like the fucking things. "Bakit ba kasi ako kailangang magkurbata?"

"Dahil dress code 'yan sa kompanya? Pasalamat ka hindi mo kailangang mag-suit."

Sinulyapan ko siya. Since he was the COO of the company my mother's family had established in 1967 and owned up to this day, yeah, he was wearing a suit.

"Fuck."

Bumuntong-hininga si Kuya Lex. "Look, Ash, just do this thing, okay?" Binalingan niya ako. "Para sa 'yo rin naman 'to."

"Ba't kasi hindi na lang ako para sa 'yo magtrabaho?"

"We already tried that, remember? It didn't end well."

Yeah, and it wasn't pretty. Dahil gusto ni Kuya na hindi magkaroon ng mas malalim na lamat ang relasyon namin, he just fired me instead of kicking my ass. Malay ko bang may soft spot siya para sa sekretarya niya? She was the one who came on to me on the conference room table.

Muling umandar ang sasakyan nang mag-green ang ilaw. "Para rin naman 'to sa 'yo," sabi ni Kuya Lex. "Paano kung wala na kami ni Mommy? Sino'ng mag-aalaga sa 'yo?"

"Si Ate Kaye."

He snorted. "Malamang ipatumba ka pa n'un sa hitman para wala na siyang kaagaw sa mana."

I leaned my head back against the headrest. "Yeah, well. Ganoon niya 'ko kamahal."

Hininto ni Kuya ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na gusali sa 31st Street. at binalingan niya ako. "Just think about it, okay? Isipin mo rin na training mo 'to bago ka pumasok ulit sa kompanya."

Tumirik ang mga mata ko. "Kuya, isasaboy muna natin sa Pacific Ocean ang abo ni Daddy bago niya ako bigyan ng management position sa mahal niyang kompanya." Inabot ko ang door handle.

"May pera ka pang-lunch?" tanong niya, bumubunot na ng wallet mula sa bulsa.

"Wala."

He handed me a P1,000 bill. Ngumisi ako habang ibinubulsa iyon. "Salamat. Don't worry. I'll be okay. Big boy na 'ko. Hindi ako makikipag-away sa ibang bata."

Tumawa si Kuya Lex. "Fine. I'll see you back at the house later."

"Bye."

Bumaba ako ng kotse niya at kumaway bago ko isinara ang pinto. Bumusina siya at nagsimulang magmaneho palayo.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Where stories live. Discover now