Day 4

69K 1.8K 578
                                    

  PREVIEW ONLY. This book has been published by Bookware Publishing Corporation and has been DELETED from Wattpad. 

--- 

KITA mo 'yung relo? Ano'ng sabi? 6:52 A.M. Sa kauna-unahang pagkakataon, dumating ako ng opisina bago mag-alas siete ng umaga *fist bump*

Wala akong pakialam kung nandoon na si Miss Balajadia, basta kailangan ko nang bigyan ng award ang sarili ko. 6:52 A.M. Sino'ng pumapasok ng 6:52 A.M. na hindi call center agent o security guard? AKO!

Nang dumating ako sa mesa ko, wala pang ilaw sa opisina ni Meredith pero kumatok na rin ako. Walang sumagot at naka-lock ang pinto. Pero malay ko ba kung d'un sa sopa natutulog ang babaeng 'yun di ba? Bumalik ako sa mesa at ibinaba ang dala kong Starbucks para sa boss kong suplada, nag-bukas ng computer at nag-check ng e-mail.

Medyo naka-organize na ako ng mga bagay-bagay nang magbago ang ihip ng hangin. Hindi ko alam kung paano ko nalamang paparating na siya pero parang may disturbance in the Force. Hindi sinasadyang nag-tense ang mga balikat ko. Sige, aaminin kong hindi ko pa rin alam kung paano ko siya pakikitunguan pagkatapos ng nangyari sa 'min kahapon.

I'm not a complete dick. Alam kong mali ako na sinagot ko siya (na naman), na napikon ako (na bago sa 'kin dahil hindi ako pikon), at na binraso ko siya kagabi para tumawag ng taxi. Sabi sa 'yo binabago ng babaeng 'to ang ugali ko eh.

Narinig kong huminto siya, siguro kasi nakita niyang nandoon ako. Ine-expect ko ngang lalapit siya para kalabitin ako para tingnan kung totoo akong tao at hindi aparisyon pero nagpatuloy siya sa paglalakad. Ni walang good morning?

Nagbukas ang pinto niya, nakita kong nagbukas ang ilaw mula sa sandblasted glass wall sa pagitan ng station ko at ng office niya bago nagsarang muli ang pinto.

Huminga ako nang malalim. Sige na. The earlier I do this, the earlier I can get out of her office and get back to my work. Kinuha ko ang papercup ng Starbucks (grande Latte with non-fat milk) at isang clipboard na puno ng papel, at nagpunta sa office door, kumatok at pinihit pabukas ang doorknob. Kaka-upo lang niya sa table, ni hindi pa nakakapagbukas ng computer.

Nakasuot siya ng puting blouse sa ilalim ng isang light blue jacket. Nakalugay ang buhok niya, mapungay ang mga mata at walang make-up, kahit pa lipstick. The fresh morning look was like a punch to the gut.

She was so fucking beautiful.

And fuck, di ba hindi pa kami bati? I had no business mooning over her.

"Good morning, ma'am," sabi ko na propesyonal ang tinig. Hindi rin ako ngumiti. Ibinaba ko ang Starbucks cup sa mesa niya. "Your first appointment is at 8:30 A.M. I sent your notes for that meeting to your e-mail. I also need your signature on these papers." Kumuha ako ng isang salansan ng mga papel mula sa clipboard. Nadikitan ko na 'yun ng mga Post-It na galing sa koleksyon ni Sheri na may nakalagay na "Sign Here". Walang imik na tinanggap ni Meredith ang mga iyon. "After your 8:30, your next meeting is at 10 A.M., a conference call with the offices in Japan. I'll call you at 9:55 A.M. to remind you. Is there anything else you need me to do?"

Noon ko lang siya tiningnan. Kung sinampal ko siya, hindi siya magmumukhang ganoon kagulat. Bakit? Dahil hindi pala naman ako totally incompetent? Hindi ako tanga, remember? Hindi mahirap ang trabahong ito. Hindi lang talaga ako naturuan. Self-taught kaya 'tong lahat.

"Ah, no. Thank you," sabi niya na kunot ang noo.

Tumango ako. "Then I'll just be outside."

Tumalikod ako at lumabas ng opisina. Pagbalik ko sa mesa ko, saka ako bumuga ng hangin.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon