Day 25 - Night

54.2K 1.3K 245
                                    

A/N: Mature content. Reader discretion is advised :)

NAGBABAD LANG ako sa malamig na tubig pero wala lang. Walang nangyari. Di umepekto kay Taho Boy. Kung pagsasakluban ka nga naman ng langit at lupa. Nang pakiramdam ko ay prunes na ang mga daliri ko, lumabas na ako ng banyo. Baka magka-drought sa lalawigan ng Los Baños kapag di pa ko lumabas.

Nagbihis ako ng T-shirt at shorts. At kung natukso akong silipin 'yung underwear drawer ni Meredith, hindi ko 'yun ginawa. Hindi na kakayanin ng katawan ko.

Lumabas ako ng kuwarto at sinundan ang ilong ko sa kusina. May mabango kasing amoy na nanggagaling d'un. Amoy ng pagkain ha, hindi si Meredith kahit pa mabango rin siya.

Ayun, nan'dun ang girlfriend ko, nakatulala sa may bintana habang nakasindi 'yung kalan.

Ano kayang iniisip niya?

"Mere?"

Napatili siya sa gulat, mabilis akong hinarap na nasa ibabaw ng puso ang mga kamay. "Abs!" sigaw niya.

A-HA!

"Ash!" sigaw niya ulit para itama ang sarili. "I meant Ash!"

Ang laki ng ngisi ko! "Abs pala ha!"

Tumili siya ulit nang iangat ko 'yung laylayan ng T-shirt ko para ipakita ulit sa kanya 'yung abs ko bago niya tumatawang tinakpan ang mukha niya.

Tumawa na rin ako bago lumapit sa kanya at niyakap siya. Kumapit siya sa mga balikat ko at ibinaon ang mukha sa dibdib ko.

"Nakakahiya," sabi ni Meredith.

"Ano'ng nakakahiya d'un? Boyfriend mo naman ako. Masama kung abs ng ibang lalaki ang iniisip mo."

Tumawa siya at tumingala sa 'kin, namumula ang mukha. "Hindi 'yun," simula niya. "Well, sige, yeah, 'yun din. Pero I meant 'yung bigla na lang kitang hinipuan. Sana nagpaalam man lang ako di ba?"

I held her tighter, hindi maalis ang ngisi. "Baby, kung gusto mo akong hipuan, hindi mo kailangang magpaalam."

"Eh kasi hindi naman pwedeng bigla-bigla na lang, di ba?" she asked, looking up at me from beneath her lashes.

"Hindi ba?" Bigla kong itinaas ang isa kong kamay para hawakan siya sa dibdib pero parang nag-ka-Karate yata si Meredith dahil mabilis niyang tinampal palayo 'yung kamay ko bago pa 'yun mag-landing. "Grabe! Ang bilis ng reflexes!"

Tumawa siya bago sumubsob ulit sa dibdib ko. "Baka kasi isipin mong malandi ako."

Kumunot ang noo ko d'un. Hinawakan ko siya sa mga balikat at bahagyang inilayo sa 'kin para matingnan ko siya. Ang pula-pula ng mukha niya at hindi siya makatingin sa 'kin nang derecho. "Malandi na ba sa 'yo kapag hinawakan ng babae ang dibdib ng boyfriend niya?"

Umiling siya. "Kaya lang, may lalaki kasi na... 'yun. Kapag gan'un, malandi na sa kanila."

Nag-cramp ang sikmura ko. May nagsabi ba sa kanya n'un o nasabihan na siya ng lalaking hinawakan niya sa dibdib na malandi 'yun? At tangina lang kung si Craig 'yun, babasagin ko talaga ang mukha ng tarantadong 'yun. Una, nangahas siyang sabihing malandi si Meredith. Pangalawa, nagpahawak siya ng dibdib kay Meredith.

"Sino'ng nagsabi sa 'yo n'un?" tahimik kong tanong.

Umiling siya. "Wala. Iba-iba lang kasi talaga ang tao di ba?"

"Kasi kung si Craig-"

Tumawa si Meredith. "Hindi!"

Nakadama ako (ulit) ng matinding insecurity. Okay, saka matinding selos na rin. "Have you..." simula ko, hindi alam kung paano itutuloy ang gusto kong itanong. She started to smile at ako naman ang namula. "I mean, kayo ni Craig. Matagal na kayong best friends so malamang... and you were in love with him."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon