Day 37

34.5K 1.1K 164
                                    

MAAGA kami ni Mere kinabukasan. Siguro kasi pareho naming pakiramdam na half a day kaming hindi magkasama sa office kaya binawi namin sa umaga.

Magkatabi kami sa table, nagbe-breakfast sa pantry sa ibaba, kasabay ng ibang mga early birds na mga empleyado. First time naming kumain d'un imbis na sa pribadong pantry sa floor namin kaya medyo pinagtitinginan kami. Ngayon lang siguro nakakita ng 'sing guwapo ko.

To be fair, masarap naman pala ang pagkain dito. Mura pa. Kung dati ko pa nasubukan eh dito na lang ako lagi kumain imbis na fastfood. Tutubuan na ako ng pakpak sa kaka-Jollibee Chicken Joy ko eh.

Pagkatapos ng breakfast, naging busy kami buong umaga sa mga naipong trabaho. May meeting si Mere at ako naman ay nagbasa at nag-edit ng mga progress reports bago ipadala ang mga iyon sa mga kliyente.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, nagulat ako nang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko. Pero kahit hindi ko siya naramdamang lumapit, alam ko namang si Mere 'yun. Inusli ko ang braso ko palikod at kinurot siya sa puwet. Tumili siya at hinampas ako sa balikat. Tumatawa ko siyang binalingan.

"Ito, mamaya hindi ako 'to, nangurot ka ng puwet nang may puwet!" sabi niya na hawak ang pang-upo.

I grinned. "Eh alam ko naman ang pakiramdam ng kamay mo eh. Saka naamoy kita."

"Paano kung si Daddy pala ako?"

"Sigurado ko namang hindi naman tatakpan ni Tito Eman ang mga mata ko kapag pumunta siya rito. Saka kung sakaling makurot ko siya sa puwet, eh kasalanan niya 'yun. Sabay na lang kaming ma-trauma."

"Loko-loko ka talaga!" sabi niya pero nagpahila naman sa 'kin para mayakap ko. "Nasa baba na raw si Kuya Midel," sabi niya habang nakasandal sa dibdib ko. "Aalis na raw kami."

"Okay," sabi ko kahit pa disappointed pa rin na hindi ako makakasama sa kanila.

"I'll be back by four," sabi niya sa 'kin at tumango ako.

"Okay," sabi ko ulit. "Halika na. Ihahatid na kita sa baba."

Nang makalabas kami ng building, naghihintay na roon ang kotse nila. Nasa loob na rin si Tito Eman so I kissed my girlfriend good bye bago siya tinulungang makapasok ng kotse nila.

"Hindi ka talaga makakasama, Ash?" tanong ng daddy ni Mere.

"Hindi po talaga, sir," sabi ko. 'Sir' kasi nasa office kami. "May tatawag pong client. Pasalubong na lang po."

Tumawa si Tito Eman. Kumaway ako sa kanya at kay Mere bago ko isinara ang pinto. Hinintay kong maka-alis ang sasakyan bago ako naglakad. Sa 7-Eleven na lang ako bibili ng pagkain. Tinatamad akong lumayo at ayoko namang kumain ulit sa pantry nang mag-isa.

Pabalik na ako sa building, bitbit ko ang isang hotdog sandwich at isang higanteng paper cup ng Moutain Dew nang makilala ko ang babaeng papasok doon. Si Gianna 'yun. May suot siyang isang malaking pares ng sunglasses. Lumapit siya sa 'kin nang makita ako.

"Hey!" bati ko, nakangiti.

"Hi," sabi niya na paos ang tinig. Kinabahan ako. "Ash, I need to talk to you."

"All right," sabi ko, pinipindot ang elevator button. "Sa pantry na lang tayo. Nag-lunch ka na ba?"

Umiling siya. "Pero okay lang. Wala akong gana."

Di ko gusto ito ah. Parang nawalan din ako ng gana. Tahimik kami sa elevator paakyat sa floor namin. Nararamdaman ko 'yung tensyon sa katawan niya.

Pinapasok ko siya sa opisina. Iniwan ko 'yung sandwich ko sa mesa ko pero dinala ko 'yung Mountain Dew ko nang igiya ko siya sa pantry. Kahit hindi niya gusto, ibinili ko siya ng Coke in can sa vendo bago ko siya pinaupo sa isa sa mga mesa.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon