Day 26

54.5K 1.2K 305
                                    

NAGISING akong magkabuhol kami ni Meredith sa ilalim ng comforter. Hindi, wala pa rin sa loob ng shorts ko 'yung kamay niya pero nasa loob na naman ng T-shirt ko. Siguro minsan giniginaw siya kaya gan'un, naghahanap ng mainit. Mas mainit sa loob ng shorts ko, babe, promise.

Niyakap ko siya kahit pa parang tinutusok ng maraming karayom 'yung braso kong ginamit niyang unan. She sighed in her sleep at nagsumiksik pa lalo sa 'kin. Naalala ko tuloy 'yung mga pinaggagawa namin kagabi. Napangiti tuloy ako. 'Yung masayang ngiti ha, hindi 'yung ngiting manyakis.

Matagal kasi kami sa labas, magkatabi lang, magkayakap d'un sa upuan. Nahihiya kasing tumayo si Meredith. Ako rin naman kasi kailangang kong magpalit ng damit after ng... you know.

Nag-shower kami (nang hindi pa rin sabay, tsk) bago nahiga sa kama. Kahit may gusto pa sana akong gawin, nag-behave ako kasi hindi naman nag-first move si Meredith. Hinihintay ko kasi siyang magbigay ng sign. Kung sabihin niya sa 'king gusto niya ulit o dakmain niya 'yung zipper ko, aba'y go na go lang ako. Eh nahiga lang siya sa tabi ko, nakayakap sa baywang ko at nagpahagod ng likod hanggang sa makatulog siya.

Okay lang naman sa 'kin. At least naka-third base na ako di ba? Isipin mo, first to third nang wala pang sampung minuto?

Anyway, ito na nga, umaga na ulit. Panibagong araw para mamolestya-I mean, makasama!-si Meredith.

Hinintay ko siyang magising at nginitian siya nang dumilat siya. Ngumiti rin siya, hinaplos ang panga ko bago ako hinalikan sa pisngi. Then para siyang pusang kinuskos 'yung ilong niya sa balikat ko.

"Anong oras tayo pupunta sa Tita mo?"

"After nating maligo. D'un na tayo mag-breakfast."

"Anong oras na ba?"

Sinulyapan ko 'yung phone ko sa nightstand. "7:53."

"Okay," sabi niya bago nag-inat. Naupo siya, climbed out of bed and stretched. Hindi ko akalaing nakaka-arouse palang manood ng babaeng nag-iinat.

Napansin siguro niyang natulala na naman ako habang nakataas ang mga braso niya. A slow smile spread on her face and she arched her back, her breasts thrusting forward.

Narinig ko 'yung tunog na ginawa ni Loki sa Avengers n'ung nabugbog siya ni Hulk, 'yung mahabang ingit ng nasaktan. Tumawa si Meredith kasi ako pala 'yung gumawa n'un.

"Bumangon ka na. Maliligo na 'ko." Tumalikod siya sa 'kin para magpunta sa closet. "Mag-si-swimming ba tayo d'un?"

"Pwede naman kung gusto mo. Pwedeng dito na lang pag-uwi natin. Pero may hot springs d'un."

"Ah, sige. Swim tayo."

Kumuha siya ng mga damit, kumindat sa 'kin bago nagpunta sa banyo. Sinundan ko siya ng tingin. At nang sumara ang pinto, napapikit ako at nagtalukbong ng kumot.

Good luck sa 'kin kung ganito ako nang ganito. Hindi ako makakaahon sa tubig nang hindi napapahiya kasi may dala akong deadly weapon sa loob ng board shorts ko.

Good luck talaga.

MATAPOS maligo, naglakad lang kami ni Meredith papunta sa resort ni Tita Mabel. Malapit lang naman kasi, sa highway lang. This time, pumayag na si Meredith na ako ang magdala ng bag namin. Isa lang naman kasi 'yun. Share na kami ng bag.

Nang makita kami ni Tita Mabel pagpasok namin ng resort, akala mo KathNiel ang dumating sa lakas ng tili niya. Halatang nabigla si Meredith kasi humigpit 'yung kapit niya sa kamay ko.

"Na-miss kita, hijo!" sabi niya sa 'kin habang minamasang parang lulutuing pandesal ang mga pisngi ko. "Ang tagal-tagal mo naman kasing hindi dumalaw. Sabi sa 'yo dito ka na lang magpagaling n'ung na-aksidente ka eh."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon