Day 1 of 4 - Later

42.9K 1.1K 332
                                    

NGAYONG nasa Singapore na si Meredith, makaka-pag-focus ka na sa tunay na bida ng kwentong ito: AKO. Baka kasi nalimutan mo nang hindi naman romance novel ito eh. Chronicles ito ng buhay ng guwapong-guwapong si Ash Montesines, ang kanyang adventures, activities, feelings... And who the fuck am I kidding? Wala akong kwento kung wala si Meredith.

Past seven na ako nakabalik sa bahay ng mga Balajadia. Dederecho na raw sa opisina si Ninong Ernest. Babantayan ko na lang 'yun buong araw kasi mukhang matindi ang sepanx eh.

Nang makarating ako ng Forbes Park, naka-alis na raw si Tito Eman papuntang airport at umakyat na raw ulit si Tita Marianne para matulog. Hindi ko na siya pinagising. Mag-te-text na lang ako mamaya. Puyat kasi 'yun. Pa-importante naman ako para gisingin pa siya para lang sabihing aalis na ako ulit di ba?

Pinapasok ako ng isa sa mga kasambahay nila at umakyat ako sa kuwarto ni Meredith para kunin ang bag ko. Uuwi na lang ako ulit kahit pa may dala naman akong bihisan para sa opisina. Gusto ko kasing mag-shower ulit kaya lang parang hindi naman magandang makiligo ako d'un nang wala naman si Meredith.

Bago ako lumabas, napansin ko ulit 'yung kama niya. May apat na unang malalaki at may dalawa siyang unan na mas maliliit, 'yung may microbeads sa loob. Lumapit ako sa kama at inabot 'yung bilog na kulay violet (pareho silang violet n'ung isa pero mas dark ang kulay nitong kinuha ko) at idinikit 'yun sa ilong ko.

Ang bango. Amoy ni Meredith.

Aba, kung nanghiram siya ng T-shirt na ka-amoy ko, manghihiram din ako ng unan na ka-amoy niya. O, bakit? Buti nga unan lang eh at hindi ako naghalungkat ng marumi niyang damit sa laundry basket. Baka panty pa ang kunin ko. Medyo stalker na ang dating n'un, saka manyak.

Niyakap ko 'yung unan bago ako lumabas ulit ng kuwarto. Bumaba ako ng hagdan na walang nakakasalubong kaya dumaan muna ako sa kusina para magpaalam kay Ate Thelma na naroon na, bago ako lumabas ulit. Sumaludo ako sa guard nila bago ako sumakay sa kotse ko.

Bumuntong-hininga ako. Amoy din ni Mere ang kotse ko. Pero sana, imbis na pabango niya, siya na lang talaga ang naaamoy ko. Sininghot ko ulit 'yung unan niya bago 'yun inilagay sa passenger seat at nagsimulang magmaneho.

NA-LATE ako ng pasok. Past 8 na ako dumating sa opisina pero dahil wala naman ako masyadong trabaho, okay lang. Babawiin ko na lang sa uwian.

Pabirong lumabi sa 'kin si Abby nang pumasok ako sa reception area ng Balajadia Industries at mahina akong tumawa.

"Oo na, lonely na ako ngayon," sabi ko.

"Okay lang 'yan," sabi niya sa 'kin na may thumbs up pang kasama.

Nag-thumbs up din ako sa kanya bago ko inilapit ang proximity card ko sa lock sa pintuan, hinintay na mag-beep 'yun bago ko tuluyang binuksan ang pinto.

Parang ang bigat ng mga paa ko. Naalala mo 'yung una akong pumasok dito na feeling ko kailangan ko ng tricycle? Gan'un ang feeling ko ngayon. Parang ang layo ng desk ko. 'Tapos alam ko pang wala akong dadatnan sa opisina.

Nang mamataan ko ang computer ko, kumunot ang noo ko sa nakita ko sa tabi ng monitor. Isa 'yung malaking bouquet ng white roses. Lumabas yata ang pangil ko sa inis, selos at possessiveness.

Para ba kay Meredith 'yun? At kanino galing 'yun? D'un sa gagong manliligaw niya na hindi niya kinakausap? Kasi kasama niya 'yung isa pang gagong mangangahas na magbigay sa kanya ng bulaklak eh. Ang kapal naman ng mukha ng tarantadong 'yun.

Padabog akong lumapit at hinablot ang card na nakasiksik sa gitna ng bouquet para malaman kung sinong hinayupak ang sisilaban ko. Pero para 'kong sunog na binuhusan ng ice water sa bilis ng pagkawala ng init ng ulo ko nang makita ko ang pangalan ko sa envelope.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon