Day 1 of 4

41K 1.2K 343
                                    

HINDI ako natulog magdamag. Yakap ko lang siya, pinipigilang kumanta ng "I Don't Want to Miss a Thing". Aerosmith, hindi Regine Velasquez. Ano naman ang akala mo sa 'kin?

Mahimbing na nakatulog si Mere. Nakasiksik siya sa tagiliran ko, nakapatong ang kamay sa dibdib ko sa ilalim ng T-shirt ko (ginawin din ang kamay niya). Magkapulupot din ang mga binti namin at maya't maya, kinikiskis niya 'yung paa niya sa binti ko. It was kinda erotic... in a weird way na ako lang ang makaka-appreciate.

Hindi ko siya mabitawan. Wala nang pakiramdam 'yung braso ko at ngalay na ngalay na ako pero hindi ko siya mabitawan.

Narinig ko nang may mga gising na sa labas kaya tiningnan ko 'yung phone ko. Mag-tu-two pa lang ng madaling araw pero siguro bumangon na si Tita Marianne or baka isa sa mga kasambahay nila. Ayoko pang bumangon. Ayoko pang bitawan si Mere.

A little past two, may kumatok sa pinto ng TV room nila bago nagbukas 'yung sliding doors.

"Meredith?" bulong ni Tita at nag-angat ako ng ulo at ako ang sumagot.

"Tita."

"Good morning, hijo."

"Good morning po."

"Tulog pa ba siya?"

"Opo eh."

"Breakfast will be ready in a while. Gisingin mo na si Meredith para makapag-shower na kayo bago kayo kumain."

Ayoto nga.

"Opo, Tita."

Lumabas siya ulit ng TV room at isinara ang mga pinto. Bumuntong-hininga ako at marahang niyugyog ang mga balikat ni Meredith. She sighed at mas nagsumiksik pa lalo sa 'kin. I groaned and buried my face in her hair.

"Mere," bulong ko bago siya ulit sinubukang gisingin. Hinalik-halikan ko siya sa ilong and she wrinkled her nose and slowly opened her eyes. And then she smiled at me, melting my heart.

"Good morning, baby."

"Good morning," bulong niya bago hinaplos ang dibdib ko, hinila palabas ng T-shirt ko ang kamay bago nag-inat nang nakadikit pa rin sa katawan ko ang katawan. I pulled her close...

"Aray, aray, aray!" sabi ko nang magsimulang dumaloy sa mga ugat ko ang dugo.

"Ano'ng nangyari?" nag-aalala niyang tanong.

"Sandali, sandali. Namamanhid, namamanhid!"

Natawa siya, kinagat ang pang-ibabang labi bago pinitik ang braso ko.

"Aray!" sigaw ko na natatawang namimilipit.

Pagkatapos ay nahiga siya sa ibabaw ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko. Wala akong nagawa kundi yumakap sa kanya.

"Are you sniffing my neck?" tanong ko at naramdaman kong tumango siya.

"Akin na lang 'tong T-shirt mo."

"Itong suot ko? Marumi na 'to."

"Hindi pa. Kagabi mo pa lang naman siya sinuot."

"Amoy ko na siya," giit ko.

Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ako. "'Yun na nga, amoy mo na siya. Gagamitin ko lang siyang pantulog pagdating ko ng Singapore."

I had no idea kung bakit ang tindi ng impact ng sinabi niyang iyon sa 'kin. Na-touch ako na kinilig na para bang mas lalo pa akong na-in love. Lumabi siya sa 'kin nang hindi ako sumagot kaagad so I grabbed her and kissed her.

Hard.

Kung wala lang siguro kami sa bahay ng mga magulang niya at hindi lang ako ginising ng nanay niya two minutes ago, baka wala na namang damit si Meredith ngayon ay masaya na naman si Taho Boy na apat na araw na namang mag-iipon ng taho.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon