Day 13

49.3K 1.3K 197
                                    

MAAGA kaming dumating ni Meredith sa opisina kinabukasan. Video conference ang meeting kaya naka-long sleeves ako pero naka-jeans at Vans. Hindi naman kita ang legs ko sa camera. Kung nag-shorts ako, walang kaso 'yun. Baduy lang pero walang kaso. May dala rin akong kurbata pero hindi ko 'yun sinuot. Mamaya na bago namin kailangang sumali sa conference.

"Sana sandali lang 'tong meeting na 'to," sabi ni Meredith habang inaayos ang mesa niya. "Ayoko namang buong araw tayong nakatunganga rito. Ang ganda ng araw sa labas eh, 'tapos iisipin mo pang Saturday ngayon. So sad."

Lumingon ako sa bintana habang itinutulak ang isang silya papunta sa table niya. Ang ganda nga ng araw sa labas. 'Yung klase ng araw na gusto mo kung pupunta ka sa beach.

"Ano nga pala 'yung balak mo dapat para ngayon?" tanong niya nang marating ko ang mesa. Tumayo siya at hinila palapit sa silya niya ang upuan ko. Nakapag-decide kasi kaming magkatabi na lang kami sa conference imbis na doon pa ako sa table ko.

"Doon sana sa resort ng pamilya ng mommy ko sa Laguna," sabi ko. "Pakakainin sana kita saka kung gusto mong mag-swim."

Lumabi si Meredith at gaya ng ginawa ko, lumingon siya sa bintana at nagmukhang parang batang inagawan ng kendi. Napangisi ako. "Di bale na, next week na lang kung wala nang aberya," pang-aalo ko.

"P'wedeng mag-overnight d'un?" tanong niya.

Kinabahan ako na na-excite. Gusto ko sana 'yung i-suggest kaya lang baka naman hindi pa kami ganoon ka-close para mag-aya ako ng overnight. Oo na, sige na. Dati tatlong araw ko pa lang kilala ang babae, na-aaya ko nang mag-overnight. Gan'un ka-iba itong boss ko. Gan'un ako kabagal sa kanya, anak ng te-Teng brothers.

"Oo naman. May mga villa d'un," sabi ko.

"Tingnan natin kung paano tatakbo ang linggong 'to," sabi niya. "Depende sa stress level natin. Kung by the end of the week gusto kong mangagat, sige, overnight tayo."

Hindi ko na naman napigilan ang ngisi. "Aba, ma'am, wala yata sa job description ko ang maging chew toy mo."

"Sira! Hindi ikaw ang kakagatin ko!" tawa niya.

"Tsk, akala ko ako na eh." Sayang. I volunteer as tribute pa naman.

Natatawa niyang kinunot ang ilong niya. "Teka, nasaan ang tie mo?"

Hinila ko ang kurbata mula sa bulsa sa likod ng pantalon ko. Pero bago ko iyon mailagay sa leeg ko, kinuha iyon ni Meredith. Sumenyas siya at isinandal ko ang mga balakang ko sa mesa niya. Parang may rock band sa likod ng rib cage ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Akala mo kung ano'ng nangyayari sa kaba ko eh nilalagay lang naman niya sa leeg ko 'yung kurbata.

The backs of her fingers rested against my chest as she expertly tied the dark blue necktie. Hindi ko alam kung napapansin niyang nakatayo na siya sa pagitan ng mga tuhod ko o na halos ma-ukit na ng mga daliri ko 'yung gilid ng mesa niya sa higpit ng pagkakakapit ko d'un. Hinihipan ng hininga ko ang bangs niya. Gan'un kami kalapit sa isa't isa. Buti na lang at fresh breath ako kundi nakakahiya naman. At least di ko kailangang manghingi ng Tic Tacs kay Craig.

I need to say something. "Ah, ang galing mong magtali ng kurbata." WTF? May masabi lang? Nag-angat ng paningin si Meredith at tiningnan ako nang mapagtanong. "Ah, eh, si Liz kasi hindi marunong."

Nakita kong naningkit si Meredith nang mabanggit ko ang pangalan ni Liz bago niya pabiglang hinila ang kurbata at sinikipan ang pagkakabuhol niyon. Doon mimso sa ilalim ng Adam's apple ko.

"Ehek!" sabi ko, or at least sinubukan kong sabihin dahil hindi ako makahinga.

"Ay, sorry," sabi ng sadista kong boss kahit pa parang hindi naman siya sorry talaga. "Masikip ba?"

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon