Day 28

49.6K 1.3K 201
                                    

MAAGA kaming nagising ni Meredith pero bumangon na rin kami kaagad. Hindi pa naman kami uuwi pero kasi kila Tita Mabel kami magla-lunch. Pinauna niya akong mag-shower habang nagliligpit siya sa kuwarto. Sayang, di na 'ko naka-ulit sa kanya sa shower pero okay lang. Next time na lang.

Siya naman ang nag-shower nang lumabas ako. Ayos na niya 'yung kama pati 'yung mga bags namin. Ang tagal kong nakatayo d'un sa paanan ng kama, nakangising parang gago, nakatingin d'un sa T-shirt at jeans na nakalatag d'un kasi hinanda niya 'yun para sa 'kin.

Nagbihis ako bago lumabas ng kuwarto. Siya na ang nag-ayos d'un kaya 'yung kusina, pool area at laundry room na lang ang titingnan ko. Si Mang Pedring naman na ang bahala sa paglilinis ng bahay kaya lang nakakahiya rin siyempre. Mamaya may makita siyang naiwan kong brip sa kung saan, eh di may souvenir pa siya.

Nang masigurong wala akong naiwan, bumalik ako sa kuwarto para kunin 'yung mga gamit. Nakita ko si Meredith na nasa kama, naka-tuwalya lang, naka-upo at joskoh, naglo-lotion ng legs, ng mahahaba, mapuputi at makikinis niyang legs. Hindi ko alam kung kailan lumipad ang imagination ko at bigla ko na lang nakitang nakabalot na ang mga legs na 'yun sa baywang ko habang hinahalikan ko siya sa leeg at nasa—

"Huh?" tanong ko nang mapansing nakatingin na pala siya sa 'kin.

Tumawa si Meredith. "Minsan, you're going to have to let me inside your head," sabi niya. "Kung ano ba 'yang naiisip mo kapag natutulala ka sa 'kin."

Kita mo na? Buti ka pa at alam mo kung ano'ng naiisip ko kapag natutulala ako sa kanya.

Ngumisi ako. "Gusto mo ba talagang malaman?"

Tumawa siya ulit at mabilis na umiling. "I think I already know. And no, we don't have the time. Hinihintay na tayo ni Tita Mabel."

"Fine," I said grudgingly bago nagmuwestra ng isang kamay. "Sige na. Bihis ka na."

Tumaas ang isa niyang kilay. "At talagang manonood ka lang d'yan?"

"Well... pwede kitang tulungan."

"Sabi ko nga manood ka na lang."

Sumandal ako sa doorframe at talagang nanood ako. Kung di ako makaka-chansing, aba'y i-enjoy ko na lang ang show. Kaya lang isa yata sa mga talents ni Meredith ang magbihis in public nang hindi nasisilipan kasi naka-ismid siyang tumayo bago nagsuot ng underwear sa ilalim ng tuwalya, ng bra sa ibabaw ng tuwalya at shorts at T-shirt. Nang hilahin niya paalis 'yung tuwalya, nakasimangot na 'ko kasi di rin naman ako nakasilip. Tumawa siya at nagsimulang magsuklay.

"May nalimutan ba tayo sa labas?"

"Wala naman," sabi ko, lumalapit na para kunin 'yung basang tuwalya para ako na ang magsampay niyon sa banyo para sa kanya. Nakakatuwa ano? First weekend naming magkasama pero parang may rhythm na kaming dalawa na parang rhythm ng mag-asawa. Naks!

Nangarap na naman ako. Saka malay ko ba kung gan'un ang mag-asawa. Di ko naman nakitang gan'un ang nanay at tatay ko.

Nang nakabihis na rin siya at pagkatapos ng one last ikot sa bahay, naglakad na kami palabas. Pero bago pa niya mabuksan 'yung front door, inabot ko 'yung kamay niya. Binitawan ko 'yung mga bag namin bago ko siya hinila at niyakap nang mahigpit na mahigpit.

Ibinaon ko 'yung mukha ko sa buhok niya at naramdaman kong niyakap din niya ako nang mahigpit sa baywang. Siguro naiintindihan niya kung bakit ko ginawa 'yun.

Aalis na kasi kami. Parang itong last three days eh kaming dalawa lang ang tao sa buong Pilipinas at nakapag-focus kami sa isa't isa, parang honeymoon na nga. Pagbalik namin sa Manila, uuwi na naman kami sa magkahiwalay na bahay, hindi na magkatabing matulog at hindi na p'wedeng maglandiian... este, maglambingan buong araw kasi nasa opisina kami. Mahirap na, baka ma-CCTV. Mamaya may scandal na pala kami di pa namin alam.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon