Day 27

44.8K 1.2K 233
                                    

HINDI pa ako sigurado kung nasaan ako nang magising ako kinabukasan. Ang weird ng hitsura ng kisame.., parang carpet. Kumunot ang noo ko bago ko ma-realize na nakadapa pala ako at nakalaylay ang ulo at isang kong braso sa gilid ng kama. Sinubukan kong umayos ng higa pero utang na loob, ang saket ng katawan koh! 

Sinubukan ko ulit. Pero mali ang gulong ko kaya nahulog ako sa kama. Fuck! Parang mas malala pa ngayon kaysa kapag may hangover ako. Although hindi kasing sarap ng pakiramdam ko kagabi ang pakiramdam ko kapag naglalasing ako. Naupo ako at tiningnan si Meredith sa kama. Ni hindi man lang siya nagising pagkatapos kong kumalabog sa sahig? Mukhang napagod ko siya kagabi ah. 

Napangisi ako. Yeah, I'm good. 

Pagkatapos ay napangiwi ako. Apparently, I'm also sore. 

Na-guilty naman ako. Kung ako eh mahapdi, paano pa kaya si Meredith? 

Pero hindi ko kasalanan, promise. Siya 'yung nangalabit nang nangalabit! Nanlaban ako pero malakas talaga siya!

Kumapit ako sa gilid ng kama at sinubukang tumayo. Medyo nanginginig ang tuhod ko kaya naupo ako ulit sa kama at pinagmasdan si Meredith. 

Nakadapa rin siya pero di tulad kong naka-ulo sa paanan, naka-ulo siya sa may headboard, nakabaon ang mukha sa unan. Nakahubad din siya. Natatakpan lang ng kumot 'yung puwet niya but the rest, her long legs, the sexy curve of her back and shoulders, nakalantad ang mga 'yun... 

Testamento na ng sexual marathon namin kagabi na nanatiling tulog si Taho Boy dahil sa pagod kahit pa nakalantad sa 'min ang maganda kong girlfriend. 

Hmm... anong oras ba dumadaan 'yung magba-balut? 

Speaking of which, anong oras na ba? 

Inabot ko 'yung wristwatch ko na nasa sidetable at nakitang alas-dos na. Based sa liwanag sa likod ng mga blinds sa bintana, hapon 'yun at hindi ng umaga. Napahilamos ako ng mukha at naisip na may dalawa akong kailangang gawin. Una, mag-CR, at pangalawa, maghanap ng pagkain bago pa magising si Ma'am Meredith. 

So, 'yun ang ginawa ko. 

PAGLABAS ko ng CR, naka-T-shirt at boxers na ako. Tumingin ako sa kama at hindi man lang kumilos si Mere. Napangiti ako at lumapit sa kama bago tumungo para halikan siya sa balikat. Hindi pa rin siya kumilos. 

Dumerecho ako sa kusina, sumilip sa ref at nakitang medyo intimidating ang mga laman niyon, mga gulay sa drawer, meat sa freezer. In short, mga bagay na hindi ko kayang lutuin. 

So kinuha ko 'yung ham sa freezer, cheese at itlog, bago ko isinara ulit ang pinto ng ref. Sandwishes lang talaga ang kaya ng powers ko eh. 

Sa huli, kinailangan ko pa rin namang magluto dahil hindi ko naman pwedeng pakainin ng frozen ham si Meredith. 

Gumawa ako ng sandwiches bago kinuha ang kahon ng fresh milk sa ref. Inilagay ko 'yun sa tray bago ako bumalik sa kuwarto namin. 

Tulog pa rin si Mere at hindi pa rin siya kumikilos. Ibinaba ko 'yung tray sa mesa bago ako umakyat ulit sa kama. I curled up behind her and dropped a kiss over her bare shoulder. 

"Mere?" bulong ko. I nuzzled the nape of her neck. 

She sighed, started to stretch, then moaned and pressed her face deeper into the pillow. "Ash, parang awa mo na, tama na." 

Tumawa ako at hinalikan siya ulit sa batok. "I have food," sabi ko at mabagal niya akong nilingon. Her eyes were bleary. Her lips were still swollen. At napangisi ako nang makita kong may chikinini si Ma'am Meredith sa kurba ng leeg niya at balikat. 

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon