Day 7 - Later that Night con't.

40.6K 1.2K 140
                                    

MALAKI ang ngiti ko habang naglalakad kami ni Meredith palabas ng bahay. Ihahatid kasi niya ako sa kotse. Ayaw ko na sana kasi medyo malayo 'yung parking space ko pero nagpumilit siya. May nakasilip naman daw na security sa gate kung bigla ko raw maisip na kidnappin siya.

"You don't need to come in early tomorrow, Ash," sabi niya sa 'kin habang naglalakad kami. "Kahit mga after lunch na. Late na rin ako papasok. Wala naman tayong morning appointments di ba?"

"Nope. 'Yung 2:30 P.M. call lang kay Mr. Serrano."

Tiningala niya ako. "Naaalala mo ang laman ng calendar natin?"

Tinapik ko ng isang daliri ang sentido ko. "Apparently, matalino ako if I put my mind into it."

Umiling siya. "I think matalino ka naman talaga. Itinatago mo lang."

Huminto kami sa tabi ng pinto sa driver's side ng kotse ko. "Pati sa sarili ko yata itinago ko siya."

Tumawa si Meredith at inabot ang kamay ko. "Thanks for coming, Ash. I wouldn't have this much fun tonight kung wala ka."

Tumungo ako sa magkahawak naming kamay at pinisil ang mga daliri niya. "Thanks for inviting me. And the next time you do, hindi ko na iisiping inimbitahan mo ako dahil kailangan mong ipakita kay Craig na hindi lang siya ang lalaki sa buhay mo."

Tumatawang tumirik ang mga mata ni Meredith then she moved closer. Inangat niya 'yung kamay na hindi ko hawak at ipinatong 'yun sa balikat ko. She stood on tiptoes to kiss me good bye. Sa cheek.

At sira ulo ako di ba? Kaya iginalaw ko ang ulo ko at nag-landing sa bibig ko ang mga labi niya.

Nabigla siya at mabilis na lumayo, tumatawa. "Sorry, sorry," sabi niya, parang naaaliw pa.

Hindi niya alam na para 'kong sinilaban kahit pa parang hinipan lang niya ang mga labi ko. Hawak ko pa rin ang kamay niya, nakatingin lang sa kanya habang nakangiti lang siya sa 'kin na para bang walang nangyari. She swung our hands. "Ingat ka pauwi. Text me when you get home."

Pinisil niya ulit ang kamay ko bago humakbang palayo.

I almost took a step towards her. "Meredith."

"Yes?" she looked at me expectantly.

You're the most amazing woman I've ever met. You make me happy. When I'm with you, I don't feel like such a total fuck up but like I'm a guy who's worth something.

Pero siyempre di ko naman p'wedeng sabihin sa kanya 'yun. At lintik lang dahil ang dami kong hindi p'wedeng sabihin sa kanya. Not until I've fixed my life and I've become a guy who's actually worthy of her.

Sandali, nag-nose bleed ako sa straight English na 'yun. Punasan ko muna ang ilong ko...

"I'll see you tomorrow. Good night," sabi ko sa kanya.

Ngumiti ako, tumango at binuksan ang pinto ng kotse. Sumakay ako at bumuga ng hangin.

Hindi 'to katorpehan. Hindi ako naging torpe kahit kailan. Pero buti ka pa, alam mo ang feelings ko eh. Sa susunod, ipapabasa ko na lang sa kanya 'tong kwentong 'to para di na 'ko mahirapan.

The thing is hindi gan'un kadali. She was the most amazing woman I've ever met. When I'm with her, I don't feel like such a total fuck up but like I'm a guy who's actually worth something. Pero feeling ko lang 'yun. I am a fuck up. And until I can prove that I'm worthy of that amazing, beautiful woman smiling at me from the sidewalk, wala akong ibang p'wedeng gawin kundi mangarap. Because I've fallen for the billionairess and I don't have anything to offer her.

Kawawa naman me.

---

A/N: Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero putol pala 'yung last chapter. Hindi nakasama 'yung last few paragraphs sa ni-copy/paste ko galing sa document. I'm posting it as a separate chapter na lang kasi baka ma-overlook n'ung mga nakabasa na n'ung last chapter >.< I'm really sorry.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon