Day 20 - Night

52.7K 1.4K 390
                                    

PINIPIGILAN ko. Pinipigilan ko talagang mangiti. Pero parang may string na humihila pataas sa gilid ng mga labi ko habang nagmamaneho ako pabalik ng Makati.

"Naka-smile ka na naman," tukso ni Meredith mula sa passenger seat.

"Ikaw rin kaya." Sinulyapan ko siya at natawa nang makitang mas malaki pa ang ngiti niya sa ngiti ko.

"Masaya 'ko eh," she giggled.

I stopped at a light at inabot ko 'yung kamay niya. I brought it to my lips to kiss her fingers bago iyon ibinalik sa kandungan niya. "Love you," sabi ko.

Di naman halatang tuwang-tuwa ako na pwede ko nang sabihin 'yun sa kanya kahit kailan ko gusto, kahit saan ko gusto.

She wrinkled her nose then smiled at me sweetly. "Love you, too," sagot niya.

At kung akala ko natutuwa na akong nasasabi ko na sa kanya na mahal ko siya, mas masarap pa rin talaga na marinig 'yun mula sa kanya.

"Sa bahay ka na matulog mamaya," bigla ko na lang sinabi at tumaas ang mga kilay ni Meredith sa 'kin. "What?" I asked.

Kumurap siya. "You're asking me to sleep at your condo tonight?" paglilinaw niya na parang hindi makapaniwala sa imbitasyon ko.

I shrugged at muling nagsimulang magmaneho nang mag-green ang ilaw. "Wala si Kuya Lex mamaya. So we have the place to ourselves." Sinulyapan ko siya ulit sabay kindat.

Tumawa siya. "I'm not sleeping with you tonight, Ash," she stated plainly,

"Tonight. So ibig sabihin pwedeng tomorrow night."

"Ash!'

Tumawa na rin ako. "What?" tanong ko ulit. Hinampas niya ako sa braso. "Seriously, I just want you to stay the night. I'm not going to force you to do anything." Nilingon ko siya. "Hihintayin kong ikaw ang mang-akit sa 'kin."

Meredith made a face. "As if kailangan kitang i-seduce," she told me smugly.

Hindi ko 'yun itinanggi. "True. Huminga ka lang na-a-arouse na ako eh."

Hinampas niya ko ulit sa braso.

"Sige na," pilit ko with matching puppy dog eyes. "Gusto ko lang na kasama kita ngayon nang maghapon, magdamag. Wala tayong gagawin na hindi mo gusto, I promise."

"I'm just..." simula niya bago huminga nang malalim. Inabot niya ang kamay ko sa kambyo. "I love you, Ash," tahimik niyang saad. "And I do want to sleep with you pero kasi first time ko 'to." You have no idea how I loved hearing that. Mas lalo akong na-excite at kinabahan. "First time kong maging girlfriend. And first time ko 'yun. With you. I want to be ready for it. You know... emotionally."

Kilala ko siya. I've known her for twenty days; I've known her forever. At hindi siya magiging si Meredith, 'yung Meredith na mahal ko, kung hindi niya ito kailangang pag-isipan.

"Give me time, okay?" she asked.

Sinulyapan ko siya, ngumiti, at pinisil ang kamay niya. "I can wait. Ang tagal ko kayang hinintay na mag-I love you ka sa 'kin. I can wait for this."

"'Wag kang magsasawa ha."

"I won't," sagot ko na confident ang tinig. I was sure I won't. Then I grinned para pagaanin ang mood. "So sa bahay ka na nga matutulog?"

"Eh," she whined. "Wala akong damit."

"O, di mas maganda! Mag-burles ka na lang mamaya!"

Hinampas na naman niya ako habang tumatawa. "Sira!"

"Grabe naman 'to! Kanina pa ako nabubugbog ah! Battered boyfriend na 'ko!"

"Ang kulit mo kasi eh."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon