Day 29 - Later that Day

43K 1.2K 133
                                    

A/N: Mature content. Reader discretion is advised.

FIRST TIME naming sabay na papasok sa opisina. Lagi kasi silang sabay ng daddy niya di ba? So bumaba kami ng sasakyan at magka-holding hands na naglakad papunta sa pintuan ng building. Binati kaming dalawa ng guards, ng receptionist sa ibaba at ng ibang mga officemates na nakakakilala kay bossing. May ilang napatingin sa mga kamay namin bago umakyat ang mga mata sa mukha ko. Kunyari hindi ko sila napapansin. Nakatingin ako sa digital numbers sa itaas ng elevator.

Hindi naman namin itinatago ang relasyon namin eh. Kaya lang dahil nga ngayon lang kami sabay na papasok nang umaga kung kailan marami kaming kasabay na makakakita, baka ngayon lang sila naniwalang kami na nga ni Ma'am Meredith. Bakit? Imposible ba 'yun? Ha? HA?

Nauna kami sa loob ng elevator at pumuwesto ako d'un sa isang kanto sa likuran dahil sa top floor pa naman kami. Hindi kami mahilig mag-PDA ni Meredith. Hanggang holding hands nga lang kami kapag nasa labas pero ngayon, dahil medyo marami-raming sumakay kasabay namin, sumandal sa dibdib ko si Ma'am Meredith at ibinalot ko ang isang braso sa mga balikat niya.

Baka may umagaw eh.

Hinawakan niya ako sa pupulsuhan at sabay naming pinanood ang digital numbers na nagsasaad ng mga dinaraanan naming floors.

At kung kaming dalawa na lang ang laman ng elevator at gan'un pa rin ang ayos namin, 'yun ay dahil komportable ako. Eh hindi naman siya nagreklamo kaya di ko siya binitawan.

Nakahabol pa ako ng kiss sa gilid ng leeg niya bago nagbukas ang elevator. Tiningala niya ako.

"Hayaan mo na," sabi ko na nakangisi. "Si Manong sa Security lang naman ang makakakita."

Tumatawa siyang umiling at naglakad kami papunta sa glass doors papasok ng Balajadia Industries. Ipinagbukas ko siya ng pinto at binati kami ni Abby bago kami dumerecho sa loob.

"Ash, d'un ka na muna sa office ko," aya ni Ma'am Meredith. "Ayusin na muna natin 'yung passport mo."

"Ah, okay. Ikukuha muna kita ng coffee."

Late na kasi. Di na siya nagpadaan ng Starbucks.

"'Wag na. Mamaya na lang. Saka parang Coke ang gusto ko pero mamaya na nga."

Magkatabi kaming naupo sa likuran ng mesa niya at nagpunta sa website ng DFA. Si Meredith na ang nag-fill out ng mga impormasyong hinihingi ng website para makapagpa-appointment ako sa satellite office sa SM Megamall. Hindi naman sa parang wala siyang tiwala sa 'kin pero parang mas invested pa siya sa pagkakaroon ko ng bagong passport.

Monday two weeks from now ang pinaka-convenient para sa 'kin kaya 'yun ang kinuhang sched ni Meredith. Nag-file na rin kami ng leave ng araw na 'yun para masamahan daw niya ako. Di siya pwedeng sumama sa DFA pero mamamasyal siya sa Megamall.

Anyway, matapos niyang ilagay sa kalendaryo namin ang schedule ko, lumabas na ako ng opisina niya para ikuha siya ng Coke sa pantry. Pagbalik ko, may kausap siya sa telepono.

"Sige, Ate Helga. Thank you po. Bye!" Ibinalik niya ang receiver sa telepono at napangiwi sa 'kin. "Ang mahal ng plane ticket! Akala ko kasi company jet ang gagamitin, hindi pala. Premium Business Class na lang ang available."

"Magkano'ng pamasahe?"

"Almost P24,000 ang two-way."

"Aray ko," natatawa kong sabi.

She smiled at me. "Tiningnan ko na pala 'yung ibang e-mail sa inbox, Ash. May mga meetings na kailangan kong i-resched na lang next week pero may mga meetings na pwedeng ikaw na lang ang mag-attend."

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon