Day 3 of 4 - Later

38.5K 1.2K 230
                                    

A/N: This chapter is another one na hindi masyadong #AshMere kasi Ash-centered siya ulit. Basta kailangan ko lang siyang isulat at idagdag. Sabi nga ni Ash, ang kwentong ito ay tungkol naman sa kanya at hindi sa love story nila ni Meredith. Although, wala talaga siyang kwento kung wala si Mere hehe

And dedicated sa mga naghihintay ng #VerNest moment! Thank you for reading!

P.S. Unedited po ito. Aminado ako. Busy, busy, busy kasi. Please excuse the errors. Maaayos ko 'yan sa final editing.

NAKABALIK naman ako sa opisina na magaan na ang loob. Nahimasmasan na 'ko. Naisip kong baka naging harsh ako kay Lim but I refuse to feel guilty. Or to back down. Talagang papanindigan ko 'yung mga sinabi ko kanina. Sabi nga ni Attorney Sison, kapag may katwiran, ipaglaban mo! Or something like that.

Ano ba naman kasing akala niya sa 'kin? Tanga? Bibigyan niya 'ko ng trabahong tamad pagdating sa initial cost estimate? At kung tanga nga ako at ipinasa ko 'yun kay Meredith o sa client, isasampal sa 'kin 'yun ng kliyente dahil daig pa niya ang Makati Science High School building sa pagka-overpriced.

Di ko alam kung gunggong talaga siya o gusto talaga niyang isahan 'yung kliyente. Pakiramdam ko kaya gan'un 'yun, kasi iniisip niyang wala talaga akong alam tungkol sa trabaho nila at ine-expect nilang ipapahiya ko ang sarili ko dahil, ayon na rin kay Craig, malamang magmamagaling ako d'un.

Eh magaling talaga ako. Pasensyahan na lang.

Anyway, tama na. Crisis averted. At kung ipagkalat man nila Lim na asshole ang boyfriend/assistant ni Ma'am Meredith, mas maganda 'yun. Simula pa lang may reputasyon na ako as a hard ass. Saka totoo naman ang sinabi ko eh. Na hard talaga ang ass ko. Hindi, iba pala. Totoo na hindi ko sila kilala at walang halaga sa 'kin ang opinyon nila. Hindi ko na kasalanan kung gusto nila akong pag-usapan. Gan'un talaga kapag sikat eh.

Maaga pa naman kasi nga nabitin ang oras namin ng meeting. Naisip kong tawagan muna si Ninong Ernest para maayang mag-lunch. Baka nangangailangan ng karamay.

"'Nong!" sabi ko nang sagutin niya 'yung tawag. "Free ka ba sa lunch?"

"Libre mo?"

"Hindi. Kaya nga kita tinatanong eh."

Tumawa si Ninong. "Actually, tinatawagan kita kanina. Sabi ni Abby may meeting ka nga raw sa Ayala. Hindi ko ma-contact ang cell mo."

"Ay, asensado na 'ko, 'Nong. Naka-line na ako ulit. Hindi ko pala nasabi sa' yo? 'Yung dating number ko na 'yung gamit ko."

"Oo nga. Naka-save pa rin dito sa phone ko."

"Ba't ka pala tumawag kanina?" tanong ko habang ino-on ang computer ni Meredith. Nasanay na akong sa opisina niya nagtatrabaho. Pakiramdam ko kasi mas close ako sa kanya kahit pa hindi na amoy Meredith 'yung office, amoy guwapo na dahil sa 'kin.

"Aayain nga sana kitang mag-lunch," sabi ni Ninong Ernest. "May gusto 'kong pag-usapan natin."

"Kung gaano mo na nami-miss si Tita Vera?"

Tumawa siya ulit. "Oo eh. Sige na, samahan mo na akong kumain."

"Saan mo gusto?"

"Sa High Street? Para maiba naman."

"Okay," sabi ko. "Ikaw ang manlibre ng pagkain, ako na'ng magmamaneho."

"All right. Daanan mo ako sa opisina ko. May tinatapos lang akong email."

"Sige. Papunta na ako."

NAG-DEBATE kami kung saan namin mas gustong kumain habang nasa sasakyan, kung sa Italianni's ba o sa Friday's. Nanalo ang Italianni's dahil paborito raw 'yun ni Tita Vera. Sige na, pagbigyan ang nangungulila. Isa pa, libre naman niya 'yun.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon