Day 2

85K 2K 613
                                    

"ASH," sabi ng isang tinig kasabay ng pagyugyog ng balikat ko. "Ash, anong oras ka ngayon?"

Anong oras? Oras ng tulog ko ngayon. "Ngyeurg," sagot ko kay Kuya Lex.

"I have a 7 A.M. meeting di ba? Sinabi ko sa 'yo kagabi. Kailangan ko nang umalis."

"Ngyeurg," sagot ko ulit.

"It's already 6:30. Bumangon ka na. Mauuna na 'ko. Mag-taxi ka na lang mamaya, okay?"

"Ngyeurg."

May importanteng sinabi si Kuya pero hindi ko naproseso sa sobrang antok. Hinehele pa ako lamig ng aircon at hilong-hilo pa ako. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kuwarto ko sa condo ni Kuya. Talagang 2-bedroom condo ang binili niya di ba? Para may kuwarto ang kanyang beloved baby brother.

Sana nagluto na rin siya ng almusal. Nagugutom na ko eh. Kakain muna ko bago ko papasok ng—

Biglang dumilat ang mga mata ko, saglit na nasunog ang corneas sa sinag ng araw na galing sa mga bintana (I may or may have not let out a scream of pain na parang bampirang naarawan), bago nilundag ang smartphone ko sa mesa.

6-freaking-38 A.M.!

Alas-siyete pa lang nasa opisina na ang bago at napaka-sexy kong boss ngayong umaga at nasa kama pa ako!

Lumundag ako patayo. Dinaig ko pa si Flash papuntang banyo, sabay na naligo, toothbrush at ahit like you wouldn't believe bago ako nagbihis. May shampoo ako sa baba, toothpaste sa buhok at shaving cream sa kilay but what the fuck! Late na ako!

Sa taxi na ako nagbutones ng polo at nagsuot ng kurbata. Hindi ko na hiningan ng sukli si Manong nang halos hagisan ko siya ng pera na hindi ko na alam kung magkano nang huminto ang taxi sa tapat ng building namin.

Muntik ko nang suntukin ang lahat ng mga naunang bumaba sa elevator at hinawakan ko na ang "door close" button para hindi na huminto ang elevator sa mga palapag sa pagitan ng 20th at 32nd floor na para bang makakatulong iyon.

Hindi ko na nabati si Abby, 'yung chinitang receptionist namin sa pagmamadali kong makapasok sa executive floor. At nang marating ko ang mesa ko, napamura ako dahil nalimutan ko ang kape ni Miss Balajadia.

Fuck me!

Tumakbo 'ko ulit papunta sa pantry kung saan naroon ang vendo ng kape. Ano nga bang kape niya? Shit. Bahala na. Ang kape ay kape. Pinindot ko ang buton para sa isang paper cup ng Nescafé at muntik nang sipain ang vendo nang slow-motion nitong itinimpla ang inumin.

Then napaso at muntik na akong matapunan habang nagmamadali akong nagpunta sa pintuan ng opisina ni Miss Balajadia the Beautiful.

7:16, sabi ng relo ko. Late pa rin pero not as bad. I took a deep breath, wiped my forehead na pawisan dahil sa ginawa kong 10K run bago kumatok at pinihit ang door knob.

Bumukas ang pinto ng opisina ng bago kong boss, and there she was, sitting at her desk, looking fresh and beautiful and powerful in a dark blue suit, with her hair in a ponytail, her nose wrinkled in irritation.

"Can I help you?" tanong niya gamit ang isang malamig, mataray at iritadong tinig.

Christ, it made me hard.

"Hi!" bati ko gamit ang patented charming smile bago pumasok sa silid at isinara ang pinto sa likuran ko. Tumaas ang mga kilay niya. "I'm Ash Montesines, your new assistant."

Nalaglag ang panga ni Meredith. Yeah, I know. I'm too gorgeous to be an assistant. I grinned at her.

"I'm sorry, I'm confused," sabi niya na may maliit na iling. "You're my assistant?"

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon