Day 28 - Later that Night

44.9K 1.2K 215
                                    

KINAKABAHAN na naman ako nang hilahin ako ni Meredith pabalik sa kusina para sabihin sa mga magulang niya na makikitulog ako. Sa kusina pa talaga di ba? Kung saan abot-kamay lang ni Tito Sir Eman 'yun knife block nila?

"O, ang bilis mo naman," biro ng daddy ni Meredith na seryoso ang mukha nang makita niya ako. "Naka-uwi ka na niyan?"

Tumawa si Meredith at pilit naman akong nakitawa. Hawak pa rin niya ako sa braso. Sabi sa 'yo malakas siya eh. Di ako makatakas.

"Daddy, Mommy, dito ko po muna patutulugin si Ash ha," sabi ng girlfriend ko. O di ba? Hindi nagpaalam? Talagang sinabi niyang dito niya ako patutulugin imbis na itanong kung pwede akong dito matulog.

"Wala ba siyang bahay?" payak na tanong ni Tito Sir Eman.

"Dad!"

"Biro lang, hijo," sabi niya na nakangisi na.

Si Tita Marianne naman ang tumawa. "Ito talaga! Lagi mong niloloko si Ash."

Di ba positive sign 'yun? Na lagi nga niya akong binibiro?

Kinurot ni Tita Marianne ang asawa bago kami binalingan. "Kakapalit lang naman ng mga bedsheets at kumot mo, Meredith."

Napalunok na naman ako. "Naku, kahit hindi na po ako sa kuwarto ni Meredith, Tita. Kahit ipaglatag lang naman po ninyo ako ng karton sa garahe, okay na po ako." Tumawa siya ulit. Tinitingnan ko pa rin 'yung knife block. Baka may nawawala nang kutsilyo eh. "Okay lang naman po ako kahit saan. Kahit sa sofa na lang po ako matulog dito sa ibaba."

"Nahihiya kasi siya, Mommy," sabi ni Meredith. "Ayaw niya sa kuwarto ko eh. Pwede po bang sa TV room na lang kami matulog? D'un sa sofa bed?"

"Of course." Tumayo ang mommy niya. "Halika, tulungan mo akong kumuha ng mga kumot at unan."

Don't leave me!

"Okay!" Pinisil ni Meredith ang braso ko, hindi naintindihanng pagmamakaawang isama niya ako ang ibig sabihin ng panlalaki ng mga mata ko sa kanya.

"Dito ka na muna. Aayusin lang namin ni Mommy 'yung tutulugan natin."

"Okay," sabi ko na ipit ang boses.

Umalis ang dalawang babae, nag-uusap kung aling bedsheets ang gagamitin, at iniwan akong mag-isa kasama ng tatay niya.

"Gusto mo ng hot chocolate, Ash?"

Napalundag talaga ako sa gulat. "Ah, hindi na po, Tito. Thank you po."

"Upo ka muna."

Para akong maamong tupang naupo sa tapat niya sa counter. Parang ang lakas ng tibok ng puso ko. Naririnig ko siya at siya lang habang naninigas akong nakakapit sa gilid ng stool na inuupuan ko. Umiinom ng tsaa si Tito Eman, walang imik, pinapanood lang ako.

Lord, sandali na lang nito baka bigla na akong sumigaw ng "YES, SIR! I SLEPT WITH YOUR DAUGHTER! AND I'M NOT SORRY!"

Napalundag na naman ako nang magsalita siya ulit.

"Okay ka lang? Namumutla ka yata."

Bumuga ako ng hangin. "Tito, pasensya na po. Sinabi ko kasi kay Meredith na uuwi na ako kaya lang gusto po niyang dito ako matulog. Hindi ko po siya mahindian eh. Kahit naman po kasi sa sala na lang ako. O sabi ko nga po sa garahe. Hindi naman po ako maselan. Basta nakasandal naman po ako, matutulog ako kahit saan. Hindi ko lang po kasi siya talaga matanggihan. Sabihin n'yo lang po kung hindi po okay sa inyo na dito ako matutulog kasi okay lang naman po talaga. Alam ko naman po kasing hindi siya maganda tingnan."

Noon ko lang napansing naka-angat pa rin 'yung tasa ng tsaa ni Tito na hindi na niya nainom dahil sa gulat sa 'kin. Nakatingin na lang siya sa 'kin.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon