Day 15

47.5K 1.4K 230
                                    

MAAGA AKO sa opisina kinabukasan. May gusto sana akong itanong kay Meredith eh. Buong gabi ko kasing naisip na mag-offer akong sunduin na rin siya sa umaga kaya lang hindi ko alam kung okay lang ba 'yun. Baka kasi hindi okay sa kanya na makita siya ng mga kaopisina namin na kasabay pumasok ang assistant niya. Ako, walang pakialam kung ano'ng iisipin nila tungkol sa 'kin pero kung tungkol kay Meredith...

Anyway, nauna akong dumating sa kanya, armado ng Starbucks Caffè Latte with non-fat milk. Kalalagay ko pa lang n'un sa office desk niya nang dumating siya. Short black skirt, white blouse and a short, fitted black jacket that molded to her form. And God, 'yung napaka-sexy na sapatos na mataas ang mga takong na nagpa-isip sa 'kin ng magiging itsura niya kung suot niya 'yun habang naka-lacy lingerie lang.

"Ash?"

"Ha?"

Tumawa si Meredith. "Ikaw talaga! Lagi kang natutulala."

I grinned sheepishly. "Kasalanan ko ba eh kung nakakatulala ka."

"Ay sus!" tawa niya kahit pa nag-blush siya. Lumapit siya sa mesa niya at tumabi ako para maka-upo siya. Tiningnan niya 'yung Starbucks cup bago ako tiningala. "Ano na naman 'yan?" tanong niya, napapangiti.

"Starbucks Caffè Latte with non-fat milk."

"Oh," sabi niya at medyo nagulat ako kasi parang na-disappoint siya.

"Ahm, di ba 'yan ang gusto mo?" tanong ko, naguguluhan.

She smiled up at me. "Yeah. Pero nasanay yata akong surprise coffee ang iniinom ko araw-araw."

Natawa ako. O di ba? Mas gusto na niya ngayon na sinusurpresa ko siya ng kape? "Sige, bukas, ibang kape na naman ang dadalhin ko para sa 'yo."

Tumawa rin siya at binuhay ang computer.

"Anyway, your first meeting is at 10:30 A.M.," sabi ko at nilingon niya ako. "And I need the Arellano contract before 2. I'm going to send you the final draft. Paki-check na lang so I can send the files to Legal before we have them signed."

Tumango siya, pinapanood pa rin ako. "Okay. Thanks, Ash."

"You're welcome."

I started to walk away papunta sa pinto. Huminto ako roon bago ako makalabas ng opisina niya at nilingon siya. She was sitting there, watching me, at kung di ako nagkamali, may disappointment na naman sa mga mata niya.

And that was when I pulled the door shut and locked it before I slowly walked back to her.

Pinanood kong bumuka ang mga labi ni Meredith habang pinapanood niya ako. Nagpunta ako sa likod ng mesa niya, sa tabi ng swivel chair niya at tumungo. Hinawakan ko ang armrests ng upuan niya at mabagal siyang hinarap sa 'kin.

"Did you think I wasn't going to kiss you good morning?" I said softly.

Namimilog ang mga mata ni Meredith. She swallowed and I watched her lick her lips. I groaned, bent lower and captured her lips with mine.

Ewan ko ba kung bakit kailan ko lang siya unang hinalikan. Dapat n'ung unang beses na nakita ko siya sa lobby ng building namin, hinabol ko na siya at hinalikan para hindi sayang ang oras.

'Yun nga lang, malamang na-taser ako ng security, but whatever. Bawi na lang ako.

Ngayon.

I heard her moan and I smiled, nibbling at her lower lip before I ran my tongue across it. Ang sarap niya.

"Ash," she gasped my name before her hand slid up to the nape of my neck to hold me closer.

Lintik, erogenous zone ko yata talaga ang batok ko. Nagising ang katawang-lupa ko eh. I gathered her into my arms, holding her close while my mouth feasted on hers. 

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon