Day 6 - Afternoon Date

63.5K 1.5K 352
                                    

ANG laki lang ng ngisi ko habang nagmamaneho palabas ng gate ng bahay ng tatay ko. I had my car back. At kulang na lang tumugtog ang "Passenger Seat" habang nag-da-drive ako. 'Wag naman sana pagbukas ko ng radyo.

"Derecho na ba tayong Tagaytay?" tanong ko habang namimili ng radio station na papakinggan. "O gusto mo nang mag-lunch?"

"Busog pa naman ako sa breakfast natin," sabi ni Meredith. "Derecho na tayo. D'un na lang tayo mag-late lunch."

"All right." At dahil hindi ako makapamili ng station, nilingon ko siya. "Ano'ng gusto mong music?"

"Iba-iba, depende sa mood," sagot niya.

I motioned at the radio. "Sige, ikaw nang mamili."

"Nasa iPhone ang playlist ko." Binuksan niya ang bag. "We can listen to it."

"Sure." Interesado rin talaga akong malaman kung ano ang mga gusto niyang pakinggan.

Ikinabit niya ang phone niya sa player ko, swiped through the screen until she settled for...

"Okay ka lang ba kay Taylor Swift?"

Napangiwi ako at tumawa siya. Utang na loob, Taylor Swift. Pero hindi ako magrereklamo. Kung 'yun ang gusto ni Meredith, kahit pa One Direction papakinggan ko. That's what makes you beautiful... Okay, did I really sing that in my head?

"Ano bang music ang gusto mo?" tanong niya. "May rock naman ako dito."

"Di, okay lang," sabi ko.

"Mukhang napipilitan ka eh," biro niya nang magsimulang tumugtog ang isang cheerful, bouncy, Taylor Swift-y song tungkol sa New York.

"Okay lang talaga," sagot ko. "Saka depende rin naman ang gusto ko. Minsan I like rock, minsan sume-senti ako." Ngumisi ako sa kanya. "Pero I can honestly say that this is the first time I will willingly listen to Taylor Swift."

She poked me on the arm. "Pero kilala mo si Taylor Swift ah," biro ni Meredith.

"I have a niece. I also know Justin Bieber."

Tumawa si Meredith.

Pinag-usapan namin ang mga gusto naming music. Napunta ang usapan sa libro pero dahil hindi ako mahilig magbasa, movies na lang ang pinag-usapan namin. She liked chick flicks (na mga napanood ko dahil sa mga ex ko) and napanood naman niya ang mga gusto kong action/adventure movies dahil sa lintek na si Craig.

Nevermind. Hindi ako magseselos. Marami pa namang mga pelikulang lalabas in the future na p'wede naming panooring magkasama.

Halos hindi namin namalayan ang oras habang bumibiyahe papuntang Tagaytay. Kahit siguro ma-traffic kami nang ilang oras, hindi ko mamamalayan ang biyahe. Sana nga na-traffic na lang kami kaso maluwag ang kalsada. Sa susunod, magpe-presinta akong ihatid siya sa bahay nang Biyernes ng gabi at idadaan ko siya sa EDSA, kung di pa kami abutin ng siyam-siyam d'un.

Or tutuparin ko 'yung Ilocos trip. Masaya 'yun! At least twelve hours sa kalsada. At least twelve hours kaming nakakulong sa maliit na space. Maraming chansing moments—este, makakapag-bonding kami.

"May alam akong restaurant," sabi niya nang marating namin ang Tagaytay. "Doon na lang tayo mag-stay hanggang mamaya. Maganda d'un eh, saka kilala ko 'yung may-ari."

"Sige. Ituro mo lang."

Binigyan niya ako ng direksyon patungo sa isang restaurant na nasa isang renovated na mansion na may view ng Taal Volcano. Kakakita ko pa lang, gusto ko na siya. Maganda siya. At mukhang date place. Para tuloy totoong nasa date kami.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon