A Sad Rain

170K 3.8K 675
                                    

PROLOGUE

I wait for him here beside his car. It will be the last time na hihingi ako ng favor sa kanya. Sana lang pumayag siya. I just badly want to be with him.

I saw him, he's smiling habang may kausap siya sa phone niya. Alam ko naman kung sino yun. And i heard him say..

"I love you.."

Lalong nadurug ang puso ko sa narinig ko na yun.. Sana ako yung sinasabihan niya nun, sana nagagawa din niyang ngumiti sa akin ng ganun. Pero malabong mangyari yun.. I know it, from the very start.

Huminto siya sa harap ko at agad nawala ang ngiti niya. But unlike him i smile.

"Max..."

Kumunot ang noo niya.

"What are you doing here? Di ba ikaw na ang may sabi na pinapakawalan mo na ako, so ano ang ginagawa mo dito? Guguluhin mo na naman kami? Rain naman! Masaya na kami, masaya na ako. Wag mo namang sirain ulit."

Kahit na gusto kong umiyak sa mga sinabi niya sa akin hindi pwede. Gusto ko lang talaga siyang makasama. Ang tagal na ng huli ko siyang mapagmasdan ng malapitan. Baka ito na ang huli.

"I'm just here to ask kung pwede mo ba akong samahan, manuod ng sunset dun sa may beach."

I said with so much happiness. Pero lalung kumunot ang noo niya.

"Don't worry, it will be the last time na lalapit ako sa iyo. Just this one, samahan mo naman ako.. Please."

He's staring at me. Pinagmasdan ko ulit siya at napansin kong maayos na maayos ang damit niya. Meron din siyang dalang boquet of flowers. I guess I know the answer. Pero baka naman pumayag siya.

"Ngayon ako magpoprose sa kanya. Ngayon ko gagawin ang dapat matagal ko ng ginawa kundi mo lang kami sinira. Ang mabuti pang gawin mo, asikasuhin mo ang annulment natin para maikasal na kami ng babaeng mahal ko.."

Nilampasan niya ako at lumapit na sa kotse niya. Pero agad akong humabol sa kanya.

"Please, Max. Last na 'to. I just want to be with you for the last time."

Marahan siyang humarap sa akin.

"Why can't you jut stop, Rain? Wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa akin. Kasi kahit anong gawin mo hindi kita mamahalin. At kahit na sino walang magmamahal sayo!"

I was taken aback of what he said.

Realization hit me.

He's right no one will love me and no one will. Even my parents.

Napayuko ako.

Truth really hurts.

"You're right. Don't worry hindi na ulit ako magpapakita sa inyo. Pasensya na din sa abala. And congratulations.."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon